Jul 8, 2020

Crime Scene Awareness Campaign isinagawa sa Brgy. Tawiran, Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro — Dagdag kaalaman para sa mga opisyales ng Brgy. Tawiran ang kanilang partisipasyon sa isinagawang First Responders Seminar o Crime Scene Awareness Campaign ng Regional Crime Laboratory Office (RCLO) at Regional Advisory Council (RAC) Mimaropa noong Setyembre 16.

Ipinaliliwanag ni ICM Luis T. Cueto ng Philippine Information Agency (PIA)-Oriental Mindoro sa mga opisyales ng barangay ang kahalagahan ng wastong pagbibigay at pagbabahagi ng mga impormasyon partikular sa paggamit ng ‘social media’ na makatutulong sa mamamayan sa isinagawang Crime Scene Awareness Campaign ng Philippine National Police (PNP) sa Brgy. Tawiran, lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro noong Setyembre 16. (Kuhang larawan ni: Dennis Nebrejo)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro — Dagdag kaalaman para sa mga opisyales ng Brgy. Tawiran ang kanilang partisipasyon sa isinagawang First Responders Seminar o Crime Scene Awareness Campaign ng Regional Crime Laboratory Office (RCLO) at Regional Advisory Council (RAC) Mimaropa noong Setyembre 16.

Ang kampanya ay may temang “Krimen ay Solusyunan sa Tulong ng Mamamayan”, naglalayon na mapaghusay ang kakayahan ng mga namumuno sa barangay bilang unang reresponde sa mga nagaganap na krimen sa kanilang lugar.

Pinangunahan ni PSSgt. King Abdon Hernandez ang seminar at kanyang itinuro ang mga dapat at hindi dapat gawin sa isang katatapos na krimen. Bago nito ay kanya munang tinalakay ang 10 dibisyon ng Crime Lab upang lubos na maunawaan kung ano ang kanilang tungkulin at mga serbisyo na maaari nilang ipagkaloob sa mamamayan.

Dinaluhan ng mga kagawad at ilang opisyal ng barangay na pinamunuan ni Punong-Barangay Alberto ‘Enteng’ Yabut ang kalahating araw na gawain upang malaman ang kanilang tungkulin sa pangangalaga ng ebidensiya sa isang krimeng naganap.

Ipinaliliwanag naman Dr. Luis T. Cueto, Information Center Manager ng Philippine Information Agency (PIA)-Oriental Mindoro sa mga opisyales ng barangay ang kahalagahan ng wastong pagbibigay at pagbabahagi ng mga impormasyon partikular sa paggamit ng ‘social media’ na makatutulong sa mamamayan

Lubos din ang pasasalamat ng Punong-Barangay kina RCLO Chief Police Colonel Armand Pusana at RAC Chairman Dennis Nebrejo sa libreng pag-aaral at magagamit nila anya ito sakaling may maganap na hindi inaasahang pangyayari sa kanilang lugar. (DN/PIA-OrMin)

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry