Isang Covid sheriff at kasamahan nito sa Puerto Princesa ang inaresto noong Lunes, Mayo 24, ng mga pulis sa buy-bust operation sa Exit Road, New Market sa Barangay San Jose bandang alas nuebe ng gabi.

Ang suspek, na naka-uniporme pa ng Covid sheriff, ay kinilalang si Joven Mark Reambon, alyas Babe, 21, at ang kaanak nito na si Jerick Reambon, 24.

- Advertisement -

Nakumpiskahan sila ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu at nakuha rin sa kanila ang P4,500 na buy-bust money.

Sa national highway naman ng Brgy. Sicsican, arestado din ang isang Jeffrey dela Torre habang nakatakas ang isa pa na si Jumer Mabella sa buy-bust na ikinasa ng City Police Station 2, alas dyes ng umaga ng nasabi rin na araw.

Sa report ng istasyon na nakalap ng Palawan News, sinasabing nakatakas si Mabella matapos mapansin na mga pulis ang kanyang katransaksyon habang nakorner naman ang kasama nito.

Maliban sa nabiling dalawang sachet ng droga kay Mabella at P2,200 na buy-bust money, nakuha din kay Dela Torre ang isa pang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Previous articleMga guro ng UP namili ng produktong katutubo bilang tulong sa ALS sa Brooke’s Point
Next articleTatlong bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bayan ng Roxas
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.