Image courtesy of Romeo Cabungcal

 

Walong magsasaka sa bayan ng Rizal ang pinahiram ng abono na nagkakahalaga ng P20,000 upang makapag-umpisang magtanim ng mais.

Ang pagpapahiram ng farm inputs para sa mga nagtatanim ng mais ay pinangasiwaan ng Provincial Agriculturist Office (PAO) ng pamahalaang probinsya bago magtapos ang buwan ng Agosto.

Sa panayam ng Palawan News kay provincial agriculturist Romeo Cabungcal, araw ng Martes, ang pagpapahiram ay para sa mga corn farmer sa Rizal upang sila ay matulungan na magkaroon ng magandang produksyon ng mais sa pamamagitan ng pagpapahiram ng may napakababang halaga at walang interes.

“No interest yon, ibabalik nila by cash ang napahiram sa kanila ng walang interes at yon naman ay ibabalik sa ating opisina after nila mag harvest at yan naman ay ipapaikot sa lahat ng corn farmers natin sa probinsya,” sabi ni Cabungcal.

- Advertisement -

Dagdag ni Cabungcal, isa ang produksyon ng mais sa lalawigan ng Palawan na nais palakasin kaya isa din ito sa pokos na programa ng provincial government.

“May mga line up pa tayo na pagpapahiram ng mga farm inputs sa iba’t-ibang munisipyo pa ng ating probinsya upang mapalakas ang produksyon ng ating mga magsasaka katulad ng pagtatanim ng mais,” dagdag ni Cabungcal.

Previous articleOver 700 posts available in upcoming CSC online career fair
Next articleFunding for DepEd’s school opening plans sought
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.