Sinisimulan na ang pagtatayo ng NCTX sa bayan ng Rizal. Inaasahang matatapos ito sa Nobyembre.

Sinimulan na ngayong buwan ng Hunyo ang pagtatayo ng Narra Central Terminal Exchange (NCTX) sa dati ring pwesto ng Narra North Terminal katabi ng pamilihang bayan.

Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng  pamahalaang lokal ng Narra, ng humigit-kumulang P7 million.

Sa panayam ng Palawan News kay Maxima Garcellan, Market Supervisor, ang proyekto ay naglalayon na magkaroon ng organisadong terminal para sa lahat ng mga sasakyan katulad ng tricycle at lahat ng mga pasahero.

“Dito na lahat ilalagay sa central terminal ang babaan at sakayan ng mga tricyle papunta sa iba’t-ibang barangay,”pahayag ni Garcellan nitong Huwebes, Hunyo 24.

“Malaking tulong ito sa ating mga tricycle operators at pasahero kasi minsan magulo ang sistema ng mga area natin. Pero pag natapos na ito at magagamit na, mayroon na, hindi na malilito ang mga pasahero sa loob ng palengke,” dagdag niya.

Ang NCTX ay inaasahang matatapos sa buwan ng Nobyembre.

About Post Author

Previous articleMga paaralan sa Rizal nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaang lokal
Next articleDBP inks pact with SB Corp to boost MSME recovery
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.