Dec 5, 2020

Community volunteers bubuohin sa Punta Baja vs talamak na nakawan

Sa panayam ng Palawan News kay Roselito Macahipay, kapitan ng Punta Baja, noong araw ng Martes, sinabi nito na tatlong report na nang pagnanakaw ang nakarating sa kanyang opisina sa unang linggo ng Nobyembre.

Bubuohin sa ikatlong linggo ng Nobyembre ang mga community volunteer ng Barangay Punta Baja sa bayan na ito upang maging katuwang sa pagpapanatili ng katahimikan bunsod ng sunod-sunod na nakawan na nagaganap.

Sa panayam ng Palawan News kay Roselito Macahipay, kapitan ng Punta Baja, noong araw ng Martes, sinabi nito na tatlong report na nang pagnanakaw ang nakarating sa kanyang opisina sa unang linggo ng Nobyembre.

“Noong nakaraan, may nabaril pa. Nabaril ng magnanakaw ang nilooban niya ng bahay dito sa Purok Rancho 2 noong November 13 na si Edilito Dimaiwat. Buti na lang nahuli ito ng mga awtoridad natin — nakakatakot at nakakabahala na ang mga nanloloob sa bahay — mga armado na,” sabi ni Macahipay.

“Gusto nating mismong sa komunidad natin may mga volunteer individuals tayo na puwedeng magmatyag sa kanilang mismong lugar. Yong makakatuwang ng mga barangay tanod natin at pulisya dito sa Punta Baja,” dagdag niya.

Ayon kay kapitan, aminado siyang hindi kaya ng mga tanod ng barangay na rondahan sa buong oras ng gabi ang buong poblasyon ng Rizal dahil sa lawak at laki nito. Mas mainam na maparami ang bilang ng kanilang mga community volunteer na makakatuwang ng mga barangay peace officers o tanod.

“Nandiyan naman ang municipal police station natin na tumutulong sa pagroronda at maganda ding may mga mata tayo o volunteer sa bawat kalye ng poblacion,” sabi pa niya.

Kukuha sila nang limang community volunteer sa bawat purok na sakop ng kanyang barangay na bubuohin bilang community volunteer organization for peace and order (CVOP) mula sa 16 na purok na sakop ng Punta Baja.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry