Ang mga kasapi ng indigenous peoples (IP) community na dumalo sa 2 araw na action planning sa Barangay New Agutaya at Poblacion noong Hulyo 14-15

SAN VICENTE, Palawan — Isang indigenous peoples (IP) community action planning ang isinagawa para sa mga katutubong Agutaynen at Cuyunon sa Barangay New Agutaya at Poblacion noong Hulyo 14-15.

Ang dalawang araw na aktibidad ay itinaguyod ng Committee on Indigenous and Cultural Communities ng Sangguniang Bayan (SB) sa pangunguna ni SB member Reynaldo Rodriguez katuwang ang Barangay Indigenous People Mandatory Representatives (IPMR) at Pamahalaang Bayan ng San Vicente.

- Advertisement -

Layunin ng community action planning na mabigyan ng mas malalim na pag-unawa ang mga miyembro ng IP community sa kasalukuyang kalagayan ng kinabibilangang komunidad at ang mga maaaring kadahilanan ng kahirapan sa mga barangay.

Sa naturang aktibidad ay binigyang pagkakataon ang mga partisipante na tukuyin ang mga problema at pangangailangan ng kanilang komunidad at ang mga posibleng solusyon sa mga ito. Kinilala rin nila ang mga programa at proyekto na kinakailangang agarang tugunan at mabigyang prayoridad.

Nagpayahag naman ng suporta si Mayor Amy Alvarez sa mga programa at proyekto na ipinresenta ng bawat grupo at sinabing agad na tutugunan ang kanilang mga pangangailangan sa komunidad.

“Napakahalaga sa aking mga kababayan na mga IP sapagkat nakapag-idintify sila ng kanilang mga pangunahing programa na angkop sa kanilang kumunidad na maaari kaagad nating mailapit sa ating lokal na pamahalaan ng San Vicente na agad ding tinugunan ng ating Mayor Amy alvarez” pahayag ni Rodriguez.

Samantala, nakatakda ring isagawa ang community action planning sa mga barangay ng Kemdeng, New Canipo at Binga.

Previous articleDILG conducts info drive for safety seal certification in Roxas
Next articleEDITORIAL: Taking stock of Palawan’s Covid response capacity
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.