Patuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2 habang wala pang pinal na desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang pagpapaliban ng halalan.
Sinabi ni Marcos nitong Miyerkules na hindi pa niya natatanggap ang panukalang batas na naglalayong ilipat ang BSKE sa Nobyembre 2028.
“Wala pa sa ‘kin,” maikling sagot ng Pangulo sa isang chance interview matapos ang kanyang pagdalo sa Philippine Maritime Convention 2026.
Kabilang sa kasalukuyang election preparations ng Comelec ang nakatakdang filing ng certificates of candidacy (COCs) na magsisimula sa Setyembre 28.
Ayon sa Comelec, magpapatuloy ang filing ng COCs hangga’t hindi pa nagiging batas ang panukalang postponement.
Sa ngayon, wala pang pagbabago sa kasalukuyang schedule ng halalan dahil hindi pa napipirmahan bilang batas ang panukalang postponement.



