Sumasakit na ba ang tenga mo sa kapitbahay mong ayaw paawat sa kakakanta sa videoke? May solusyon dyan si Atty. Chel Diokno!

Sa kanyang Official Facebook Page, nilista ng kilalang human rights lawyer at guro ng abogasiya ang mga legal na hakbang na maaari mong gawin kung nakakaistorbo na ang pagvivideoke ng iyong kapitbahay.

Ayon kay Diokno, mayroong dalawang hakbang na maaari mong gawin kung hindi madadaan sa magandang pakiusap ang iyong kapitbahay.

“Una, mas mabuting ilapit ang usapin sa barangay para maresolba ang problema. Pangalawa, maaaring magsampa ng kaso sa hukuman para maideklarang nuisance ang mga maingay na kapitbahay.” payo ni Diokno.

Para naman sa mga nag-o-online class, puwede umanong i-report sa hotline ng PNP ang mga maiingay na kapitbahay.

Dagdag pa nito, maituturing na uri ng noise pollution ang pagbi-videoke lalo na sa mga alanganing oras. Dahil dito, maaari ring ireklamo ang iyong kapitbahay sa environmental officer ng inyong lokal na pamahalaan.

“Puwede rin kayong lumapit sa mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) o sa Department of Education (DepEd) kung ito’y nakakasabagal sa inyong pag-aaral.” aniya.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 9.4k ang mga reactions sa post na ito. Nagbigay daan din ito sa ilang mabubuting diskusyon patungkol sa nasabing suliranin.

“Considered po bang unjust vexation kung nagkakaraoke ang taong sintunado,” tanong ni netizen Jean Anton Padua.

“Yes,” ito naman ang naging tugon ng Facebook page na Anti-Noise Crusaders of the Philippines.

Nagpasalamat naman ang ilang netizens sa panibagong impormasyong naibahagi sa kanila sa pamamagitan ng FB post ni Diokno.

“I’m glad I’m following your page. Nakakapamahagi kayo ng mga basic information about sa batas. Thanks,”sabi ni Kimi Kimi Sanchez

Previous articleProject SUSI offers innovative concepts for city’s transport sector
Next articleBLACKPINK’s ‘Lovesick Girls’ hits 600M views on YouTube