Inaresto ng Bataraza Municipal Police Station ang isang CAFGU member matapos umanong magpaputok ng baril bandang 9:30 ng umaga noong September 23, sa Barangay Iwahig, Bataraza, Palawan.
Ayon sa Palawan Police Provincial Office (PalPPO), lasing umano ang suspek nang magpaputok ng .38 baril ng baril. Nakuha rin umano ng rumespondeng barangay officials ang baril na nakasukbit sa kaniyang baywang.
Wala rin umanong maipakitang dokumento para legal na magmay-ari ng baril.
Narekober din ang isang .38 revolver, isang empty shell ng .38, at live 9mm cartridge at isang blackbelt.
Sumailalim na sa imbentaryo ang lahat ng mga narekober.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 10591, or the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na nasa kustodiya na ng Bataraza MPS.



