Sep 22, 2020

Busuanga, mananatiling sarado pa din sa mga turista

Ayon kay Allan Davatos, Busuanga tourism officer, sarado pa rin ang mga kilalang local tourist attractions kagaya ng Black island, Busuanga River, Conception Falls, at View Deck Busuanga.

 

 

Nananatiling sarado kahit sa lokal na turismo ang bayan ng Busuanga sa ilalim ng patuloy na modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay Allan Davatos, Busuanga tourism officer, sarado pa rin ang mga kilalang local tourist attractions kagaya ng Black island, Busuanga River, Conception Falls, at View Deck Busuanga.

“Ang main problem is syempre mga kababayan natin dito sa Busuanga limited pa rin ang galaw dahil nga MGCQ at wala pang advise o executive order (EO) si mayor kung papayagan na ba. Pero until now no tourism activity ang Busuanga talaga for health and security purposes ng mga kababayan natin,” sabi ni Davatos.

Ayon kay Davatos, marami ang kumuha sa kanila noon ng clearance sa mga local tours sa Busuanga subalit biglang ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) at wala na ring arrival ng foreign tourists simula noong Marso dahil na rin sa travel restrictions.

“Black island kasi is major destination natin dito sa Busuanga pero so far kahit local tourist wala talagang tourism activity doon,” dagdag ni Davatos.

Ayon sa Busuanga tourism office, wala pang katiyakan kung kailan ibabalik ang local tour activities sa kanilang munisipyo.

Samantala, ang katabing munisipyo nito na Coron ay nag-umpisa namang magbukas ng tour destinations, upang tulungang makabangon ang lokal na industriya.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry