BROOKE’S POINT, Palawan — Nagdeklara ng total liquor ban ang alkalde ng bayan ng bayan na ito na si mayor Mary Jean D. Feliciano noong March 24 sa kanyang programang ulat sa bayan.

Ayon kay Feliciano, nais nyang masigurado ang kaligtasan ng mga mamayan dahil kung sakaling malango sa alak at magkaroon ng kaguluhan ay walang reresponde at gagamot sa mga ito dahil nasa frontliners ngayon ang mga awtoridad bunsod ng COVID-19.

Mawawalan din ng saysay ang social distancing na ipinapatupad kung habang naka-quarantine ay iinom ng alak ang mga tao lalo pa kung magpapalitan ng laway ang mga ito sa paggamit ng iisang baso sa inuman.

Papatawan ng parusang pagkansela ng permit at limang libong (P5,000) pisong multa ang mahuhuling nagbebenta ng alak. Samantalang dalawang libong piso at limang araw na pagkabilanggo para first offense, tatlong libong pisong multa at sampung araw na pagkabilanggo sa 2nd offense, at limang libong pisong multa at isang buwang pagkabilanggo sa 3rd offense ang ipapataw sa mahuhuling iinom ng alak.

Mas mainam gugulin na lamang sa kani-kanilang pamilya ang pagkakataon habang naka-home quarantine ang bawat isa o sa pagtatanim ng gulay para ma-exercise at maging kapakipakinabang kung sakali mang lumawig pa ang ipinapatupad na quarantine period, ayon sa alkalde.

“Bawal ang pagtitinda ng alak at pag inom ng alak sa panahon ngayon habang nakaquarantine kayo sa inyong mga tahanan. Mas maige pang gugulin nyo na lamang sa inyong pamilya ang inyong oras o kaya ay magtanim kayo ng gulay sa inyong bakuran,” ayon kay Mayor Feliciano.

Samantala, kaugnay ng total liquor ban ay inatasan nito ang mga barangay officials na maging mapagbantay sa sino mang lalabag.

“Sa mga kapitan ng baranggay, kayo ang naatasan bilang pinuno ng inyong nasasakupan. Kaya bantayan nyo ang mga matitigas na ulo para maparusaha” ayon pa kay Feliciano.

Previous articleCity starts giving out P1,500 cash assistance to households
Next articleAño goes on self-quarantine
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.