PN File

Muling nagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 ang ilang bayan sa bahaging sur ng lalawigan ng Palawan ngayong ikalawang linggo nang buwan ng Setyembre.

Batay sa daily bulletin record ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) noong Setyembre 9, may kabuuang bilang na 291 COVID-19 active cases ang buong bahaging sur ng lalawigan.

Nangunguna dito ang bayan ng Brooke’s Point na may 178 cases kung kaya nag-desisyon ang Municipal Inter-Agency Task Force na isailalim sa general community quarantine status (GCQ) ang bayan simula Setyembre 8 hanggang 22.

Sa bisa ng Executive Order No. 30 na nilagdaan ni acting Mayor Georjalyn Quiachon- Abarca noong Setyembre 7, muling naghigpit sa mga borders ng bayan ang mga awtoridad upang ma-control ang mga pumupunta at umaalis sa bayan, maging ang sa mga iba’t ibang barangay.

“Ang dalawang Quarantine Control Point sa borders ng ating bayan ay handa at nakaantabay 24 oras upang siguruhin na ang mga travel restrictions ay maayos na naipapatupad para sa ating kaligtasan. Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 30 na nagsasaad ng lokal na implementasyon ng mga alituntunin at patakaran habang tayo ay nasa ilalim ng GCQ. Ang mga checkpoints na ito ay binubuo ng Security Cluster ng lokal na IATF, sa pangunguna at sa supervision ng Brooke’s Point Municipal Police Station,” pahayag ng Municipal Information Office (MIO), Biyernes, Setyembre 9.

Sumunod naman ang bayan ng Bataraza na may kabuuang bilang ng 39 aktibong kaso at isinailalim din sa GCQ with restrictions simula Setyembre 7 hanggang 15, sa bisa ng Executive Order na nilagdaan ni Mayor Abraham Ibba.

Pangatlong may mataas na bilang naman ang bayan ng Sofronio EspaƱola na mayroong 32 active cases na sinundan ng Rizal na mayroong 22 active cases; Narra na mayroong 15 active cases; Quezon, 9 active cases; at Aborlan, 6 active cases.

Sa bayan pa rin ng Sofronio EspaƱola, pinapayuhan ang mga residente na patuloy na sundin ang health protocols at iwasan ang pagsasagawa ng mga pagtitipon upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Rhodora Tingson, Municipal Health Officer, patuloy ang paalala nito sa mga opisyal ng mga barangay na mahigpit na bantayan ang kanilang komunidad upang maiwasan ang pag-iipon ng tao na posibleng pagsimulan ng hawaan ng sakit.

Dagdag niya, mayroon nang anim na naitalang COVID-related sa bayan matapos na isang pasyente ang binawian ng buhay noong Setember 5 mula sa Barangay Pulot Center.

About Post Author

Previous articleMahigpit na patakaran laban sa COVID patuloy na ipinatutupad ng Brooke’s Point District Jail
Next articleCB notes increase in foreign investments
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.