File photo

Inaasahan na bukas, August 9, ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, ayon na rin sa ilang kompanya ng langis.

Kahapon, inanunsyo ng kompanyang Unioil Petroleum Philippines na maaasahan ng mga mamamayan ang rollback mula August 9 hanggang 15.

Ayon sa pagtataya ng Mean of Platt Singapore, bababa ng P2.00 hanggang P2.20 ang presyo ng gasolina kada litro, habang P1.90 hanggang P2.10 naman sa presyo ng krudo kada litro.

Nakatakda namang mag-anunsyo ng pangmalakasang rollback ang iba pang mga kompanya ng langis sa Pilipinas ngayong araw.

About Post Author

Previous articleHeavy rains due to Habagat expected over Palawan
Next articleIn-person classes to boost PH economic recovery – Marcos