27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Beach graduation photoshoot sa Nagtabon, kinaaliwan online

Kinaaliwan ng mga netizen ang kakaibang graduation photoshoot ng isang bagong graduate matapos nitong isuot ang kanyang rented graduation toga habang lumalangoy sa Nagtabon Beach sa Puerto Princesa City.

Sa Facebook post ng apparel rental business na Serene Linen Co., ibinahagi ng shop ang kanilang pabirong reaksyon nang makita ang mga larawan ng kanilang pinaupahang toga na ginamit sa beach photoshoot.

“Pashnae! Akala ko pang-graduation photoshoot ang toga, for beach outfit pala!” saad ng Serene Linen Co. sa caption ng kanilang post.

Dagdag pa ng shop, “Salamat sa pagdala ng toga sa ibang level (paki-labhan naman po please ng di maalat-alat). Reminder lang: Graduation gown po ito… hindi beachwear.”

- Advertisement -

Nagkomento rin ang renter na kinilalang si Ervin Matt Lagan, na mas kilala bilang Rhylee, at sinabing naibalik naman niya ang toga nang malinis.

“Jusq! Haha anobaaa nilabhan ko naman naibalik na. Jusq naman tong may ari haha thank you so much haha,” pahayag ni Rhylee.

Bilang tugon, pabirong sinabi ng Serene Linen Co., “Ang alat nyo naman po kasi magbalik ng toga, downy-downy din hahahaha.”

Umani rin ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post.

Nagbiro si Kanojó Sènyo, “Under the sea ang theme ng graduation nila 😂😂.”

Samantala, sinabi naman ni Mitzi Almira Valoroso Garcia, “❌ pang graduate ✔️ pang dagat.”

Nagkomento rin si Mae Cy, “Buti hindi sa swimming pool na may chlorine araymoo,” na sinang-ayunan ng iba pang netizens.

Pabiro ring ibinahagi ni Andrew Brian Bendorio Delvalle, “Yung samin may deposito na 3h di na naibalik hahahhahahahha.”

Habang sinabi naman ni Jap Pong, “Sayang eh noh..hahahaha.”

Sa oras ng pagsulat, ang Facebook post ng Serene Linen Co. ay mayroon nang mahigit 3,400 reactions, 19 comments, at 142 shares.

Samantala, ang mismong graduation photos ni Rhylee sa Instagram ay nakakuha na rin ng mahigit 45,400 likes, 66 comments, at higit 1,300 shares, na lalo pang nagpalawak sa online attention na natanggap ng kanyang kakaibang graduation photoshoot.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img