No Images found.

Bayan ng Española nagsagawa ng vaccination simulation exercise

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Isinagawa ng Municipal Health Office (MHO) sa covered gym ng bayang ito ang kanilang simulation exercise ng vaccination rollout para sa nakatakdang pagdating ng bakuna sa lugar, noong araw ng Miyerkules, Marso 10.

Ang simulation ay isinagawa upang mapaghandaan ang aktwal na pagbabakuna at hindi magkaroon ng aberya at masunod ang tamang proseso dito na itinakda ng Department of Health (DOH).

Sa panayam ng Palawan News kay Dra. Rhodora Tingson, Municipal Health Officer, kanilang susundin ang prosesong ibinigay  ng PHO at DOH kung paano isasagawa ang pagbabakuna sa lahat ng frontliners at sa mga indigent population pagdarating ng iba pang bakuna para dito.

“Ang simulation exercise ay kung ano yung dapat masunod at gagawin sa actual na pagbakuna sa mga barangay natin. Covered gym ang area ng vaccination,” pahayag ni Tingson.

Base sa ipinasang vaccination action plan ng MHO sa Department of Interior and Local Government (DILG) Provincial Health Office (PHO) noong buwan ng Enero, ang vaccination ay isasagawa sa covered gym ng munisipyo kung saan may kabuuang 802 doses ang kakailanganin para sa dalawang turok ng bakuna para sa 401 frontliners na nasa listahan ng first priority ng MHO.

Ani Tingson, ang proseso ay magsisimula sa magpapatala ng babakunahan sa itinakdang registration area. Kasunod nito ang counseling at pagkatapos ay ang pagturok ng bakuna.

Pagkatapos maturukan ng bakuna, ang indibidwal ay magpapahinga sa post-monitoring area at kapag walang nakitang side-effect ay saka ito papayagang makalabas at umuwi.

Idinagdag pa ni Tingson na nakahanda na rin ang magiging storage facility na may gagamiting refrigirator na paglalagyan ng bakuna.

“Para sa frontliners ay kukunin natin sa PHO ang vaccine since kaunti lang naman sila, at saka depende rin kung anong klaseng vaccine ang maibibigay, doon tayo magbase kung ilan ang kasya sa ref natin,” pahayag ni Tingson.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry