Sep 28, 2020

Barbero na residente ng lungsod, patay sa aksidente

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, galing ng lungsod at pauwi na ng kanilang tahanan ang biktima na si Mario Masagnay Panggo, residente ng Purok Mapagmahal, Brgy. San Jose habang ang nakabanggaan naman na driver ng four wheels ay si Brian Ernesto Dacanay, 48, residente ng Brgy. Maningning, ay patungong lungsod nang dumating sa bandang kurbada ay bigla na lamang nagkabanggaan ang dalawa na nauwi sa pagkasawi ng biktimang si Panggo.

Isang 31 anyos na barbero ang idineklarang dead on arrival sa hospital matapos makabanggaan ang isang four wheels na sasakyan sa North National Highway, Barangay Salvacion, Sabado ng umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, galing ng lungsod at pauwi na ng kanilang tahanan ang biktima na si Mario Masagnay Panggo, residente ng Purok Mapagmahal, Brgy. San Jose habang ang nakabanggaan naman na driver ng four wheels ay si Brian Ernesto Dacanay, 48, residente ng Brgy. Maningning, ay patungong lungsod nang dumating sa bandang kurbada ay bigla na lamang nagkabanggaan ang dalawa na nauwi sa pagkasawi ng biktimang si Panggo.

“Batay doon sa imbestigasyon, ang biktima ay papuntang Bahile at ang isa naman ay papuntang bayan. Pagdating nila doon sa area ay nagkabanggaan itong dalawa. Base pa doon sa investigation itong driver ng motor ay sinubukan namang maidala doon sa salvacion hospital Clinic pero dead on arrival,” ang sabi ni P/Maj. Edgar Salazar sa panayam nito sa Palawan News, ang station commander ng police station 2.

“Pagdating nila sa sharp curve na iyon, nagkabanggaan sila malamang doon sa lane ng Mitsubishi Adventure, malamang iyong motor kinain nya iyong linya ng adventure,” dagdag pa ni Salazar.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng Station 2 ang suspek na si Dacanay at mapapalabas din sakaling mapatunayang wala itong sala sa nangyaring insidente.

Payo naman si Salazar sa mga motorista na mag-ingat sa kalsada at wag maging kaskasero upang maiwasan ang mga ganitong uri ng insidente.

“Huwag masyadong magmadali. Mag-ingat sa kalsada at ‘wag over speeding,” aniya ni Salazar.

(With a report from Jayra Joyce Taboada)

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry