Patay ang babaeng driver ng motorsiklo at ang angkas nitong anak sa isang banggaan ng dalawang motor Miyerkules ng gabi sa kahabaan ng BM Road sa Barangay San Manuel, Puerto Princesa City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Roxanne Zambrano, 47, habang isinugod naman sa ospital ang anak nitong si Lawrence Zambrano, 20, kasama ang suspek na kinilalang si Marvin S. Habagay, 19, na sugatan din. Di kalaunan, pumanaw rin si Lawrence.

Ayon sa report ng Police Station 2, patungo ang nasawi sa bahay ng isang kaanak nito nang makabanggan ang kasalubong na isang motorsiklo na minamaneho ni Habagat at isa pang estudyante na naninirahan din sa Barangay San Manuel.

Ayon kay Police Capt. Doughlas Sabando, binawian ng buhay ang 20 taong gulang na na lalaki bago mag alas-3 ngayong hapon

“Namatay siya kaninang before 3:00 p.m. sa ospital kung saan siya dinala kagabi,” pahayag ni Sabando