26.8 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Bagyong Ferdie, lumabas na ng PAR; habagat patuloy na magpapaulan

Iniulat kaninang madaling araw ng PAGASA na lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ferdie, na may international name na “Bebinca.”

Ayon kay PAGASA weather specialist Daniel James Villamil, si Ferdie ay huling namataan sa layong 1,210 kilometro silangan-hilagang silangan ng extreme northern Luzon. Nagtataglay ito ng lakas ng hangin na umaabot sa 85 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, at bugso ng hangin na umaabot sa 105 kph. Patuloy itong gumagalaw pakanlurang-hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

“Kahit nasa labas na ito ng ating PAR, makikita natin dito sa ating latest satellite images itong mga makakapal na kaulapan na umiiral sa malaking bahagi ng ating bansa ay ang patuloy na epekto ng southwest monsoon o habagat na hinahatak ng nasabing bagyo,” ulat ni Villamil.

“Pinaka maapektuhan ng monsoon rains o yung mga direktang pagulan na dala ng habagat itong areas ng Mimaropa at occasional rains naman dito sa area ng Kabikulan. Mas maaliwalas na panahon naman na ating inaasahan sa rest of central Luzon, pati na rin sa buong hilang Luzon. Meron pa ring chance ng mga biglaan at panandalingang buhos ng ulan na dulot nga ng trough o extension ng tropical storm sa labas ng ating PAR,” dagdag pa niya.

- Advertisement -

Bagamat wala nang direktang epekto si Ferdie sa bansa, patuloy nitong hinihila ang southwest monsoon o habagat, na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas. Ang mga lugar na higit na maaapektuhan ng monsoon rains ay ang Mindoro provinces, Marinduque, Romblon, Palawan (Mimaropa), Zambales, Bataan, at ng Bicol.

Inaasahan din ang kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Southern Luzon at Metro Manila.

Sa Visayas at Mindanao, mataas din ang tsansa ng pag-ulan, partikular na sa Western Visayas at Mindanao.

Sa ulat pa ni Villamil, sinabi nito na sa mga susunod na araw, ang mga rehiyon tulad ng Occidental Mindoro, Northern Palawan, Aklan, at Antique ay makakaranas ng heavy to intense rains, habang ang moderate to heavy rains naman ang mararanasan sa mga lugar gaya ng Quezon, Bicol Region, at Negros Occidental.

Pinapaalalahanan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maghanda sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa. Patuloy rin ang paalala ng PAGASA na mag-ingat ang mga maglalayag, lalo na sa mga baybayin ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, dahil sa posibilidad ng moderate to rough sea conditions dulot ng habagat.

Bagamat malayo na si bagyong Ferdie, inaasahan pang lalakas ito habang patuloy na gumagalaw papuntang Okinawa, Japan, at maaaring maging severe tropical storm o typhoon habang nasa East China Sea.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img