Jan 24, 2021

Ayudang pang-agrikultura, tinanggap ng mga katutubong Ratagnon

Sa kabuuang halagang P374,000, ang tulong na hatid ng ahensya ay naglalayong matulungan mapalago ang produskyon ng balinghoy ng mga magsasakang katutubo.

Mga magsasakang kabilang sa pangkat-etnikong Ratagnon mula sa Magsaysay, Occidental Mindoro ang tumanggap ng kalabaw at grass cutter mula sa DA SAAD Mimaropa bilang ayuda. | Larawan mula sa DA SAAD Mimaropa

 

OCCIDENTAL MINDORO, Dec. 5 — Ipinagkaloob ng Department of Agriculture-Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) MIMAROPA sa dalawang samahan ng pangkat-etnikong Ratagnon mula sa Brgy. Nicolas ng bayan ng Magsaysay, Occidental Mindoro ang ayudang pang-agrikultura.

Sa kabuuang halagang P374,000, ang tulong na hatid ng ahensya ay naglalayong matulungan mapalago ang produskyon ng balinghoy ng mga magsasakang katutubo.

Tinanggap ng Calachuchi Indigenous Cassava Farmers Association (CICA) na binubuo ng 19 na kasapi at Samahang Katutubong Ratagnon, Lupaing Ninunuo (SAKARALUNI) na may 24 na miyembro ang sampung kalabaw at dalawang grass cutter.

Ang bawat katutubong samahan ay tumanggap ng tig-limang kalabaw na nagkakahalaga ng P167,500 at isang yunit ng grass cutter na may halagang P19,500.

Sa kanilang pahayag, lubos ang pasasalamat nina G. Romeo Roldan, tagapangulo ng Calachuchi Indigenous Cassava Farmers Association at G. Esmael Eguillon ng Sakaraluni sa mga ibinigay na tulong pangkabuhayan ng pamahalaan.

Sa naturang aktibidad, naging katuwang ng ahensya ang Lokal na Pamahalaan ng Magsaysay sa pangunguna ni Mayor Cesar Tria, Jr. at ng MAO Agricultural Technician ng nasabing bayan. (LC/PIAMimaropa/Calapan)

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry