Nagsagawa na ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng bayan ng Busuanga ng consolidated Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA), Huwebes ng hapon, para alamin ang naging epekto ng bagyong Quinta sa sektor ng agrikultura.

Sa panayam ng Palawan News kay Ma. Theresa Rabe ng MAO, sinabi nito na nasa partial figure pa lang o 30 porsyento ang kanilang hawak na data sa cost of damage sa sakahan at fisheries.

Inaasahan nilang aabutin ng hanggang Lunes bago matapos ang consolidation ng mga impormasyon na makukuha.

“Sa palay natin, aabutin I think ng P2 million sa 100 percent consolidation natin kung matatapos. Hopefully, sa Monday tapos na ang RDANA sa Busuanga,” ayon kay Rabe.

Isa ang bayan ng Busuanga sa Calamianes Islands na dinaanan ng bagyong Quinta ng lumabas ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR), araw ng Miyerkules, October 28, 2020.

Sabi ni Rabe, sa assessment ng kayang tanggapan ay umaabot sa P459,000 ang cost of damage sa mga standing crop na palay na handa ng anihin pero naapektuhan ni Quinta. Nasa P38,000 naman ang para sa mais at P903,000 naman sa fisheries.

“Ang sektor ng pagsasaka ng palay, mais, at pangingisda talaga ang sobrang naapektuhan dito sa ating bayan sa Busuanga. After ng consolidation na ito, isusunod ang rehabilitation para makaahon muli ang mga nasa sektor natin sa agriculture sa Busuanga,” dagdag niya.

Ang mga barangay na naikot na para sa RDANA ay ang Sto. Niño, Salvacion, Old Busuanga, New Busuanga, Buluang, at Quezon. Nakatakda pang tapusin ang may 10 pang barangay.

 

About Post Author

Previous articleSubstitute bill para sa proteksyon ng OFW remittance, aprubado na sa Kamara
Next article10 taon nang nagbebenta ng droga, huli sa buy-bust
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.