Apat ang isinugod sa pagamutan noong Linggo ng gabi sa bayan ng Quezon dahil sa aksidente sa pagitan ng isang motorsiklo at top down tricycle sa national road sa may Sitio Underground 1, Barangay Alfonso XIII.
Ayon sa police report na inilabas ng Police Provincial Office (PPO), August 23 ng umaga, nangyari ang aksidente noong August 22 ng alas otso ng gabi sa pagitan ng motorsiklo na minamaneho ni Joey Amarante Lambating, 34 taong gulang, at at top down tricycle na minamaneho ni Beinvenido Baluran na may sakay na dalawang pasahero.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na parehong walang lisensya sina Lambating at Baluran.
Nangyari diumano ang banggaan nang ang Honda TMX 125 na minamaneho ni Lambating at ang Euro 150 na minamaneho ni Baluran ay bumabaybay sa mula sa magkaibang direksyon sa Sitio Underground 2.
Sinasabi rin sa police report na walang headlight ang minamaneho ni Baluran at ito ay nakainom.
Isinugod ang mga biktima ng aksidente sa Quezon Medicare Hospital, ayon sa PPO. Patuloy din ang imbestigasyon sa nangyari.
