Apat na indibidwal sa bayan ng Busuanga ang inaresto ng mga pulis matapos mahuling sangkot sa iligal na tupada sa Sitio Dungon, Barangay New Quezon, pasado alas kuwatro ngayong araw, Abril 11.

Ang mga naaresto na sinubukan pang tumakas, ngunit napigilan ng mga pulis ay dalawang security guard na si Alfie Mued Jagmis, 24, at Rowel Daco Rondero, 37, Lydio Sim Jagmis, 52, at Angel Mangaliag, 54.

“Marami ‘yan sila, nagpurulasan lang nang nag-deklara na kami ng raid. Itong apat ang nakorner namin dahil hindi nila magawang makatawid doon sa bakod na barbed wire,” pahayag ng hepe ng Busuanga Municipal Police Station (MPS) na si P/Lt. Jerry Barrientos Jr.

Pahayag ni Barrientos, bagamat wala silang maraming impormasyon na natatanggap ngayon kaugnay sa iligal na sabong sa kanyang nasasakupan ay tuloy-tuloy ang ginagawa nilang monitoring sa lahat ng barangay.

“For the past few weeks, wala kaming mga ganitong impormasyon talaga, pero tuloy-tuloy ang mga tao natin sa pag-iikot para malaman kung may mga ganitong aktibidad sa iba-ibang barangay dito,” ayon pa kay Barrientos.

- Advertisement -

“Pero ito, bago lang ito kung makikita mo ang ginawa nilang sabungan na ito sariwa pa ang mga buho, ibig sabihin katatayo pa lang at nahuli na agad natin, dahil iligal ito,” dagdag pa nito.

Nakumpiska sa lugar ang dalawang sasabunging manok, tari, at P600 na ginamit bilang pamusta.

Nakatakda naming i-inquest ang apat bukas na kasalukuyang nasa Busuang MPS sa ngayon.

Previous articleTravel ban ng turista sa Quezon, hindi tiyak kung hanggang kailan tatagal
Next articleBulldozer operator, sugatan matapos saksakin sa bayan ng Quezon
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.