No Images found.

Apat na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Española

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Apat na bagong kaso ng COVID-19 na maituturing na local transmission ang naitala sa bayang ito noong Lunes, Mayo 3, ayon sa Municipal Health Office (MHO).

Ang apat na bagong kaso ay pawang mga lalaki na kinabibilangan ng isang 50 taong gulang mula sa Barangay Pulot Shore, dalawang 25 taong gulang, at isang 33 taong gulang na nagmula naman sa Brgy. Pulot Center.

Sa panayam ng Palawan News kay municipal health officer Dr. Rhodora Tingson, nitong Martes, May 4, sinabi niyang ang apat na bagong kaso ay mga close contact ng 24 taong gulang na pasyente mula sa Brgy. Pulot Center.

“Close contact ito ni local case number 3 natin na may travel history sa lungsod ng Puerto Princesa,” pahayag ni Tingson.

“Ang apat ay mga symptomatic cases at kasalukuyang nasa isolation facility na,” dagdag niya.

Samantala, sa huling tala ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) ay may kabuuang 35 COVID-19 suspect sa bayan na ito habang patuloy pa rin ang ginagawang contact tracing.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry