File photo

Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Aborlan matapos na muling magtala ng siyam na bagong antigen reactive cases nitong araw ng Biyernes, Hunyo 11.

Sa kasalukuyan ay may kabuuang 182 antigen reactive cases ang bayan, kung saan ang pinakamataas na bilang ay naitala ng mga barangay ng Poblacion na may 48, San Juan na may 30, at Ramon Magsaysay na may 23.

Sa panayam ng Palawan News kay Municipal Health Officer Dr. Fidel Salazar, sinabi nitong sapat naman ang kanilang antigest test kits upang makapagsagawa ng mas malawak pang antigen testing lalong-lalo na sa mga close contacts ng mga naunang naitatalang antigen reactive.

“Marami tayong antigen reactive sa palengke at sa ibang barangay kaya tumaas ang kaso ng reactive. Kaya sa public market natin naunang ipinagutos ng MIATF na hindi pwedeng magbukas ng pwesto ang mga stall owners kung walang maipakitang negative antigen sa atin,” pahayag ni Salazar.

- Advertisement -

Samantala, ikinabahala naman ni Mayor Celsa Adier ang pagtaas ng kaso ng antigen reactive cases. Aniya, maaaring maapektuhan ang araw-araw na kabuhayan ng isang pamilya kung patuloy pa itong tataas sa mga susunod na linggo.

“Syempre kailangan home isolation ka diyan. Hindi kayo pwedeng lumabas kasi mahirap talaga. Kaya nga kami ay nakikiusap sa lahat na mag-ingat. Sa palengke marami ang nag-reactive diyan kaya ako ay nababahala din kung tataas pa ito mahirapan tayong makapag-hanapbuhay,” sabi ni Adier.

Pinaalalahanan din ni Adier ang mga kapitan ng mga bragay na patuloy na ipasunod sa mga residente ang minimum public health standards.

Nakiusap din si Adier sa mga residenteng naka home isolate na identified reactive cases na sumunod sa utos ng MIATF na huwag munang lalabas ng bahay.

“Kung naka-home isolate ka dahil antigen reactive ka, diyan ka lang sa loob ng bahay at huwag ka nang lalabas at magpa-display diyan sa labas ng bahay mo. Pakiusap din natin ito sa mga kapitan, tanod na i-check,” dagdag ni Adier.

Previous articleCity jail placed under lockdown as 123 inmates test reactive to antigen
Next articlePuerto Princesa risk reduction office urges city residents to download StaySafe app
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.