Sa gitna ng lumalalang krisis sa klima at patuloy na pagkasira ng kalikasan, muling binibigyang-diin ang mahalagang papel ng gubat sa buhay ng tao at ng mundo. Madalas itong nakikita bilang likas na tanawin lamang, ngunit sa katotohanan, ang kagubatan ay may mas malalim na tungkulin na direktang kaugnay ng ating kalusugan, kabuhayan, at kaligtasan.
Sa akdang ito, basahin natin ang konsepto ng pitong “B” ng gubat. Isang balangkas ito na naglalayong ipaliwanag, sa payak na paraan, kung bakit ang kagubatan ay hindi dapat balewalain, kundi unawain, pahalagahan, at pangalagaan bilang pundasyon ng buhay sa daigdig.
Ang aking nilikhang pitong “B” ng puno, gubat o kagubatan na may kaugnayan sa kahalagahan at importansiya nito.
ANG MGA KAHALAGAHAN NG GUBAT O KAGUBATAN AT ANG “7 B”
1. BAGA (Lungs of the Earth)
Ang malagong kagubatan ay itinuturing na Baga ng mundo dahil sa kakayahan nitong sumisip o mag-absorba ng mga usok o Carbon Dioxide para bago pa ito tumungo sa kalawakan at makadagdgag sa lumalalang usapin ng Pag-iinit ng Mundo ay makukuha na nila ito upang gawing oksihena na kailangan ng lahat ng nabubuhay sa Mundo gaya ng tao at mga organismo.
2. BANGA (World Watershed)
Ang mayaman at malagong ugat na ito ng mga kagubatan ay nagiging daan upang mag-impok at mag-ipon ng tubig kung kaya tinawag din silang “Watershed” ng Mundo.
3. BAHAY (Habitat for Organisms)
Ito ay kanlungan at tirahan din ng lahat ng organismo, maliit man o malaki ay dito sila naninirahan, maging ang mga kapatid nating katutubo kalimitan sila ay makikita din sa loob ng kagubatan.
4. BUHAY/BIYAYA; (Everyone Livelihood)
Nagsisilbi din itong alternatibong kita ng ating mga kababayan maging ito man ay katutubo o maralitang mamamayan na ginagawa nila ito bilang produkto sa usapin ng Turismo sa tulong suporta ng Pilipinas Shell Foundation (PSFI) para sa Programang TANDIKAN (Turismo At Negosyo Dulot ng Ingat KAlikasaN) gaya ng “Mangrove Paddle Boat Tour” sa Sitio Sabang ng Barangay Cabayugan at ng Barangay New Ibajay sa Bayan ng El Nido at sa Sitio Bua-Bualan, Barangay Simpocan, Puerto Princesa City, Palawan, Pilipinas, at mga palamuti mula sa kagubatan para maging produktong hinabi ng kamay o “Handicrafts” at iba pa.
5. BENTILADOR (Fan of our Planet)
Nagsisilbi din itong “Air Condition”, kapag ikaw ay nasa labas ng kagubatan at naglalakad o umaakyat patungo sa taas ay makakaramdam ka ng ibayong init at pawis sa iyong pagal na katawan, at kapag naabot mo ang loob ng malagong kagubatan ay kaginhawaan naman ng katawan sa lamig ang bumabalot dito.
6. BATALAN o Lababo ng Sansinukob (To absorb Noise Pollution);
Nagsisilbi din siyang tagaharang ng ingay sa isang maulanlad na lugar gaya ng “Noise Pollution” at ang mga kagubatan sa bahaging ito ng maunlad na lugar ay hinaharang ang ingay at ibinabalik sa lansangan bago pa umabot sa mga komunidad na posibleng magdulot ng pagkabingi lalo sa mga bata o sanggol dahil ang decibel ng kanilang pandinig ay hindi kasing tinag o tibay noong sa matatanda, kaya minsan ang “Noise Pollution” ay nagiging sanhi sa pagkabingi ng ilang mga munting bata na lumaki sa maunlad na lunsod.
7. BALUTI ng Sandaigdigan (Armor of our Planet)
Matatawag na sandata ito ng Mundo, halimbawa na lamang ang tanyag na Bundok ng Sierra Madre, kinilala ito bilang Gulugod ng Rehiyon na ito dahil sa kakayahan niyang harangin at basagin ang posibleng Bagyo na paparating sa bahagi na ito.
DAPAT alam natin ang Pitong “B” ng Kagubatan para SAPAT sa ating kamalayan.



