Bagong miyembro ng Sangguniang Bayan ng Brooke's Point si Sarah Jane Crespo-Abon. | Larawan mula kay Ton Abengoza

[UPDATED] Pormal nang umupo bilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Brooke’s Point si Sarah Jane Crespo-Abon sa ginanap na 84th regular session nitong araw ng Martes, Hulyo 13.

Si Sarah Jane ay humalili sa kanyang ama na si SB Ely Crespo na yumao nitong nagdaang buwan ng Hunyo.

Siya ay nanumpa sa tungkulin bilang SB member kay Governor Jose Alvarez na siya ring pumirma ng kanyang appointment order noong July 7.

Pagkatapos manumpa ay inihayag ni Abon na bagaman mahirap para sa kanya na tapatan ang naging kakayahan ng kaniyang ama sa larangan ng pulitika at serbisyo sa mamamayan ay sisikapin niyang maging maayos ang pagpapatuloy niya ng serbisyo bilang konsehal ng bayan.

Idinagdag niya na bago siya humalili sa kanyang tatay ay nagkaroon siya ng nomination at acceptabce sa Partidong Pagbabago ng Palawan (PPP).

- Advertisement -

“Isang malaking karangalan ang maipagpatuloy ang legacy na naiwan ng aking ama. Ito ay ang makapaglingkod ng buong puso at may katapatan sa Diyos at sa taong bayan,” pahayag ni Abon.

Si Sarah Jane ay ikatlong anak ni Ely Crespo sa anim na magkakapatid.

Ang kanyang ama ay nasawi dahil sa karamdaman noong June 18 at nasa kaniyang huling termino bilang konsehal.

Previous articlePAGASA monitoring new LPA near Northern Samar
Next articlePhoto of ship supposedly dumping waste in WPS is fake news – Sec. Lorenzana
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.