Tumaob sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng national highway ng Barangay Decalachao sa bayan ng Coron ang ambulansya ng Palawan Rescue 165 habang ibinabiyahe ang isang pasyente, bandang 3:50 ng hapon noong September 15.

Base sa report ng Coron Municipal Police Station (MPS), mula Busuanga ang L200 Mitsubishi ng Palawan Rescue 165 na patungo sana sa Barangay Cheey para ihatid ang pasyente ng pumutok ang unahang gulong ng sasakyan dahilan ng pagkawala ng control ng driver.

Bahagyang nagtamo ng pinsala ang driver na nakilalang si Cyrus Abrea Lopez, kasama nitong si Dan Joseph Vitto Aguilar, at ang pasyente na agad namang tinulungan ng CAAP Rescue Team.

About Post Author

Previous articleTyphoon Josie enters PAR today, but no landfall expected
Next articlePuerto Princesa unveils northeast tourism destinations
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.