27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

AICS, medical aid payouts bawal 10 araw bago ang BSKE

Ipagbabawal ang pamamahagi ng ilang tulong pinansyal ng gobyerno, kabilang ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP), sa loob ng 10 araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, layunin nitong maiwasang gamitin ang mga programa at pondo ng gobyerno para impluwensiyahan ang mga botante.

Nakatakdang idaos ang BSKE sa Nov. 2, 2026. Hindi pa nililinaw ng COMELEC ang eksaktong petsa ng pagsisimula ng restriction, kung may exemption para sa emergency at life-threatening cases, at kung maaari pa ring tumanggap at magproseso ng aplikasyon habang bawal ang payout.

Ang AICS ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga indibidwal at pamilyang dumaraan sa krisis. Sakop nito ang tulong para sa gastusing medikal, pagpapalibing, pagkain, transportasyon at iba pang agarang pangangailangan.

- Advertisement -

Ang MAIFIP naman ay nagbibigay ng tulong medikal sa mga pasyenteng kapos o walang kakayahang bayaran ang kanilang gastusin sa ospital.

Nagbabala rin ang COMELEC laban sa vote-buying at vote-selling. Maaari itong magsampa ng election offense at criminal cases, pati disqualification petitions, laban sa mga lalabag sa election rules.

Samantala, tuloy ang paghahanda ng COMELEC para sa Nov. 2 elections habang wala pang bagong batas na nagbabago sa iskedyul nito.

Sinabi ni Laudiangco na nakatakdang sanayin sa Setyembre ang halos isang milyong public school teachers, police personnel at iba pang magsisilbing electoral board support staff at canvassing personnel.

“Itong natitirang buwan ng Setyembre ay ibubuhos namin sa training ng halos mga isang milyon na mga magsisilbing mga electoral boards support staff, kasama na po pati ang PNP, na hahalili bilang special electoral board at mga canvassing boards natin,” ani Laudiangco.

Nakaimprenta na rin ang mga opisyal na balota, habang nabili at nakatago na sa mga warehouse ng COMELEC ang karamihan sa accountable forms at election equipment.

Gayunman, may mga panukala pa sa Kongreso na naglalayong muling ipagpaliban ang BSKE o pahabain ang termino ng kasalukuyang barangay at SK officials.

Nanawagan ang COMELEC sa mga mambabatas na linawin ngayong Setyembre kung itutuloy o ipagpapaliban ang halalan.

“Kaya nga po humiling si Chairman Garcia sa ating Kongreso na kung anuman po ang magiging aksyon sa mga panukalang batas sana magkaroon na ng linaw dito ngayong September,” sabi ni Laudiangco.

Nagbabala siyang maaaring masayang ang gagastusin sa training kapag ipinagpaliban ang BSKE matapos itong isagawa.

“Isipin ninyo po, isang milyon na mga katao ang ite-training namin, eh pagka po ipinagpaliban, sayang po ang magagastos diyan dahil uulitin po namin ang training nila kung kailan man po nalalapit ang susunod na halalan,” dagdag niya.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img