Home NEWS OF THE DAY ACTF iisyuhan ng violation ticket ang lalaking nakatulog sa kalsada

ACTF iisyuhan ng violation ticket ang lalaking nakatulog sa kalsada

1
0
Nilabag ni JA Regalado ang 9 p.m. to 5 a.m. na curfew kaya pagmumultahin pa rin ito ng P500.

Nilinaw ng Anti Crime Task Force (ACTF) ng Puerto Princesa na wala nang mga Covid sheriff noong madaling araw ng Linggo ng respondehan nila si JA Regalado na nakatulog sa kalsada dahil sa kalasingan sa Barangay Princesa kaya’t hindi nila ito naisyuhan ng ticket dahil sa paglabag sa curfew.

Ayon sa mensahe na ipinadala ng tanggapan ng ACTF sa Palawan News, nilabag ni Regalado ang 9 p.m. to 5 a.m. na curfew kaya pagmumultahin pa rin ito ng P500, ang katumbas na halaga ng kanyang violation base sa umiiral na polisiya sa lungsod.

Hindi naman umano ito puwedeng sitahin sa pagmamaneho ng lasing dahil noong respondehan ito ay hindi siya nakasakay sa motor.

“Hindi naman puwedeng tiketan na nagmamaneho ng nakainom dahil hindi naman siya nakasakay, karay-karay niya ang motor,” ayon pa sa mensaheng padala ng ACTF.

Previous articleBanking on Growth
Next articleGovernment as structure and process
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.