The Coast Guard Substation Sabang and Puerto Princesa Subterranean River National Park rangers recovered 35 pieces of various types of abandoned timber in Sitio Old Panggangan, Barangay New Panggangan, Puerto Princesa City, on May 2.
According to a report from the Coast Guard Station Central Palawan (CGSCP), the abandoned timber was discovered following a tip from a concerned citizen, prompting a joint operation with the PPUR park rangers.
The recovered wood was immediately transported to Sabang Wharf and turned over to the Puerto Princesa Subterranean River National Park Rangers Office for proper disposition.
Meanwhile, the leadership of CGSCP and CGSS Sabang assured that they will continue supporting other government agencies in protecting the environment and combating illegal activities as active members of the Protected Area Management Board (PAMB).
*** BASAHIN SA PILIPINO
Narekober ng Coast Guard Substation Sabang at Puerto Princesa Subterranean River National Park ranger ang 35 piraso ng iba’t ibang uri ng mga abandonadong kahoy sa Sitio Old Panggangan, Barangay New Panggangan, Puerto Princesa City, nitong nakaraang linggo, May 2.
Sa ulat mula sa Coast Guard Station Central Palawan (CGSCP), ang pagkakadiskubre sa nasabing mga abandonadong kahoy ay mula sa tawag ng isang concerned citizen kaya agad silang nagkasa ng operasyon kasama ang PPUR park rangers.
Agad namang ibiniyahe sa Sabang Wharf ang mga nasabing kahoy na itinurn-over sa Puerto Princesa Subterranean River National Park Rangers Office para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, tiniyak ng pamunuan ng Coast Guard Station Central Palawan at CGSS Sabang na patuloy ang kanilang pagtulong sa iba pang ahensya ng gobyerno sa pagprotekta ng kalikasan at pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad bilang aktibong miyembro ng Protected Area Management Board (PAMB).



