26 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Dalawang lalaki arestado sa iligal na sabong sa Taytay

Dalawang indibidwal ang inaresto ng mga awtoridad habang ang iba nilang kasamahan ay nakatakas matapos na maaktuhang nagsasabong sa Barangay Cataban sa bayan ng Taytay, araw ng Linggo, Abril 18.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jujet Santos Bandola, 39, at Eddie Faustino Peña, 64, mga residente ng nasabing bayan. Nakuha sa kanila ang tatlong buhay at isang patay na manok pangsabong, isang tari at P300 na pera.

Ayon kay P/Lt. Argie Eslava, hepe ng Taytay Municipal Police Station (MPS), nahuli ang mga suspek dahil sa ibinigay sa kanilang impormasyon na may tupada sa nasabing lugar. Idinagdag pa ni Eslava na isa rin sa mga dahilan kaya nahuli ang mga suspek ay dahil matao ang lugar at malapit lang ito sa isang bahay na may nakaburol.

- Advertisement -

“Joint operation namin yan kasama ang RMFB-4B (Regional Mobile Force Battalion at RID (Regional Intelligence Division). Information lang ng region yan at kami lang ang nag-arrest. Bago lang iyong information na yan na may nagtutupada kasi may burol iyon na katabi nila (kaya nalaman), kaya rin namin nahuli ang mga suspek na ito kasi nahawakan namin agad,” pahayag ni Eslava.

“Actual namin silang nakita na nagtutupada noong time na iyon. Marami yan sila, nagsitakbo lang doon sa masukal na lugar at tumakas pabayan ang iba. Kung saan-saan na sila nagtakbuhan nang malaman nilang may pulis. May mga bata pa nga doon na nanunuod kaya iyon ang (problema) doon kasi maraming kabahayan,” dagdag pa ni Eslava.

Ang dalawang suspek ay nasa kustodiya kasalukuyan ng Taytay MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal cockfighting.

- Advertisement -

Latest

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and Busuanga received new classroom chairs on October 21 in a distribution led by Discovery Coron. The...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang kumikilos ito palabas ng Philippine Area of Responsibility, kasabay ng pag-monitor sa isang bagong low...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...
spot_imgspot_img