27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Samahan ng mga dating rebelde, inilunsad sa Palawan

Isang organisasyon na tinaguriang KADRE o Kapatiran ng mga Dating Rebelde ang inilunsad sa Palawan nitong Enero 18 upang palakasin ang kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa mga rebelde.

Isinagawa ito sa isang hotel sa Puerto Princesa kung saan dinaluhan ito ng 38 indibidwal na kinabibilangan ng mga dating rebelde o Former Rebels (FRs) at dating mga miyembro ng Militia ng Bayan na ngayon ay nasa panig na ng pamahalaan.

Ang organisasyon na may adhikain na “pagtutulungan sa pamamagitan ng mahigpit na kapatiran” ay nabuo sa tulong ng Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF ELCAC) upang mapalakas ang kampanya ng pamahalaan tungo sa hangarin na maging rebel-free na ang lalawigan.

Ang KADRE ay binubuo ng tatlong cluster: ang north, central at south cluster na pinamumunuan nina Jevy del Valle, Jenesis del Valle at Jerick B. Avila. Samantala si Jerwin Castigador naman ang nahirang bilang over-all President ng nasabing samahan.

- Advertisement -

Isa pa rin sa layunin ng organisasyon ay matulungan sa patuloy na pagbabagong-buhay ang mga dating rebelde sa pamamagitan ng pag-alalay ng PTF ELCAC.

Sina Atty. Teodoro Jose S. Matta, director ng Peace and Order Program ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan at si retired colonel Glenn B. Destriza ang tumatayong adviser ng KADRE.

Ang paglulunsad ng KADRE ay sinaksihan naman nina Department of the Interior and Local Government (DILG)-Palawan provincial director Virgilio Tagle, Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail Ablaña, at iba pang miyembro ng PTF ELCAC. (PIA-MIMAROPA, Palawan)

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img