27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

18 senior citizens sa Romblon tumanggap ng P50k

ODIONGAN, Romblon — Labingwalong senior citizen na edad 97-99 sa lalawigan ng Romblon ang nakatanggap noong Setyembre 20, ng aabot sa P50,000 na insentibo mula sa pamahalaang panlalawigan ng Romblon.

Pinangunahan ni Romblon Governor Jose Riano sa pangangasiwa nina Acting Provincial Treasurer Lorelie Y. Manago at Acting Asst. Provincial Treasurer Mercedita B. Diaz ang pamimigay ng nasabing insentibo.

Kabilang sa mga nabigyan ay ang mga senior citizen na edad 97-99 mula sa mga bayan ng Banton, Looc, Romblon, Odiongan, Sta. Maria, Magdiwang, Alcantara, San Fernando, at Cajidiocan.

Ayon kay Governor Riano, ang nasabing insentibo ay tulong ng pamahalaang panlalawigan sa mga matatandang walang natatanggap na pensyon para may pambili sila ng kanilang mga kailangang pagkain at gamot.

- Advertisement -

Hiwalay pa ang insentibo na ipinagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Romblon sa insentibo na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kapag umabot sila sa edad na 100 taon bilang kanilang centenarian gift mula sa pamahalaan.

Nagpapasalamat naman sa pamahalaang panlalawigan ang mga benepisyaryo katulad ni Lolo Mario Magbanua na sinabing gagamitin sa pagbili ng gamot ang natanggap na pera.

“Malaking tulong ito sa akin. Pambili ko ng gamot, pang-gastos namin. Salamat!” pahayag ni Lolo Mario na mula sa Canduyong, Odiongan, Romblon.

Unang batch pa lang ito at may mga susunod pang mabibigyan na mga senior citizen na kwalipikado sa nasabing programa ng pamahalaang panlalawigan. (PJF/PIA-MIMAROPA/Romblon)

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img