Naaresto ng awtoridad ang tinaguriang No. 1 Municipal Most Wanted Person dahil sa kasong attempted murder sa munisipyo ng Sofronio Española, nitong October 21.
Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Sofronio Española MPS katuwang ang mga tauhan ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (1st PPMFC), at ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Palawan Police Provincial Office.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant na inilabas noong October 20 ng Branch 165, Fourth Judicial Region, Regional Trial Court, sa Brooke’s Point.
Nagtakda ang korte ng halagang ₱120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Sofronio Española MPS ang naarestong indibidwal para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.



