27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

₱21,000 halaga ng undocumented ipil lumber, nasabat sa Dumaran

Nasabat ng mga awtoridad ang 11 piraso ng ipil lumber na walang kaukulang dokumento sa Barangay Sta. Maria, Dumaran noong September 18.

Ayon sa Palawan Police Provincial Office (PPO), may kabuuang volume na 141.82 board feet ang mga kahoy at tinatayang nagkakahalaga ng ₱21,273.

Isinagawa ng Dumaran Municipal Police Station, Municipal Environment and Natural Resources Office, at DENR-CENRO Roxas ang joint anti-illegal logging operation sa Purok Pagkakaisa.

Inaresto sa operasyon ang isang 36-anyos na magsasaka at residente ng naturang barangay. Sinabi ng pulisya na nakuha sa kaniyang possession at control ang mga ipil lumber.

- Advertisement -

Sa isinagawang verification, hindi umano nakapagpakita ang lalaki ng mga permit o dokumentong nagpapatunay na legal ang pagmamay-ari at paghawak niya sa forest products.

Inimbentaryo at minarkahan ang mga nakuhang kahoy sa presensya ng isang barangay official. Nasa kustodiya na ng Dumaran MPS ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nahaharap siya sa posibleng paglabag sa Presidential Decree No. 705, o Revised Forestry Reform Code of the Philippines.

Sinabi ni Palawan PPO Provincial Director Police Colonel Joel Casupanan na kailangan ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng batas at koordinasyon ng mga ahensya upang maprotektahan ang mga kagubatan ng Palawan.

“Our forests are among Palawan’s most valuable natural resources. We will continue to enforce the law against illegal activities that threaten these resources, while ensuring that every operation is conducted properly and in accordance with established procedures,” ani Casupanan.

Hinimok din niya ang publiko na ireport sa mga awtoridad ang hinihinalang illegal logging at iba pang paglabag sa environmental laws.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Cris Dela Cruz
Cris Dela Cruz
is a reporter for Palawan News covering police, crime, local government, politics, and community affairs across Palawan. He reports on breaking news, public safety issues, governance, and developments that affect local communities, with a focus on timely, accurate, and fact-based journalism.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img