26 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Remulla: Asylum ni Harry Roque ‘denied na’

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ibinasura na umano ang asylum application ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa ibang bansa, ngunit mariing itinanggi ito ng dating opisyal at sinabing wala pang pinal na desisyon mula sa Austrian authorities.

“By the way, tapos na ‘yung asylum, na-deny ‘yung asylum ni Harry Roque. Tapos na ‘yung five months. Kung may red notice na, kukunin ko siya,” sabi ni Remulla sa isang press briefing nitong Martes.

Hindi tinukoy ni Remulla kung aling bansa ang umano’y nagbasura sa asylum application ni Roque. Nang hingan ng detalye, sinabi ng kalihim na kailangan muna niyang kumpirmahin ang impormasyon.

Sinabi rin ni Remulla na ibe-verify muna niya ang mga detalye ng proseso dahil hindi siya ang direktang humahawak sa kaso.

- Advertisement -

Gayunman, tiniyak niyang ipatutupad ang pagbabalik kay Roque sa Pilipinas sakaling magkaroon ng red notice laban sa dating opisyal.

Itinanggi naman ni Roque ang pahayag ni Remulla at sinabing hindi pa maaaring ituring na denied ang kaniyang asylum application habang wala pang opisyal na desisyon mula sa Austrian authorities.

“For the nth time, Secretary Jonvic Remulla has publicly claimed that my application for asylum in Austria has been denied. This is fake news. Secretary Remulla claims that my asylum application should be considered denied because it was supposedly not acted upon within six months,” saad ni Roque sa Facebook.

“Until the Austrian authorities themselves issue a decision on my application, claims that my asylum bid has already been denied are false and misleading,” dagdag niya.

Nauna nang naiulat na nasa Austria si Roque matapos niyang kumpirmahin noong Nobyembre 2025 na nag-apply siya para sa asylum sa Netherlands noong Marso ng parehong taon.

Ayon sa mga naunang ulat, ipinasa ang kaniyang petisyon sa Austria dahil dito siya nabigyan ng visa.

Nahaharap si Roque sa mga kasong qualified human trafficking kaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na Lucky South 99.

Nauna ring sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na hiniling ng gobyerno ng Pilipinas sa International Criminal Police Organization (Interpol) ang paglalabas ng red notice laban kay Roque.

- Advertisement -

Latest

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and Busuanga received new classroom chairs on October 21 in a distribution led by Discovery Coron. The...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang kumikilos ito palabas ng Philippine Area of Responsibility, kasabay ng pag-monitor sa isang bagong low...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...
spot_imgspot_img