27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Mga benepisyaryo ng Mapagkalingang Programa, pinaghahanda ng valid ID para sa city card

Pinaghahanda na ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang mga benepisyaryo ng Mapagkalingang Programa ng isang valid ID para sa pagkuha ng Puerto Princesa Card.

Ayon sa anunsyo sa opisyal na Facebook page ni Mayor Lucilo Bayron, gagamitin ang card sa digital payout system na ipatutupad para sa pamamahagi ng benepisyo sa mga kwalipikadong residente.

Sa ilalim ng proseso, kailangan munang pumunta ng benepisyaryo sa LGU desk upang kumuha ng stub na may reference number. Pagkatapos nito, kailangan niyang magtungo sa USSC desk at ipakita ang stub kasama ang isang valid ID para sa verification.

Kapag natapos ang verification, hihintayin na lamang ng benepisyaryo ang pag-release ng kanyang Puerto Princesa Card.

- Advertisement -

Kabilang sa mga maaaring dalhing ID ang PhilID o printed copy ng electronic o digital PhilID, SSS, GSIS, UMID, driver’s license, PRC ID, OWWA E-Card, voter’s ID o voter’s certificate, senior citizen ID, PWD ID at valid passport.

Tinatanggap din ang Philippine Postal ID na inisyu mula Nobyembre 2016 hanggang Setyembre 2023, gayundin ang MARINA Seafarer’s Record Book o Seafarer’s ID na inisyu mula Pebrero 2020.

Mag-iikot sa mga barangay ang City Mayor’s Office, kasama ang mga kinatawan ng USSC at Development Bank of the Philippines, para magsagawa ng briefing at orientation tungkol sa card, digital payout system at paggamit ng ATM sa pagtanggap ng benepisyo.

Pinayuhan ang mga benepisyaryo na hintayin ang opisyal na iskedyul ng pag-iikot sa kanilang barangay at huwag munang magmadali.

Layunin ng barangay rollout na mabigyan sila ng panahon upang ihanda ang mga kinakailangan, dumalo sa orientation at malinawan sa proseso bago gamitin ang digital payout system, ayon sa anunsyo.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img