26 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

DA: Presyo ng gulay maaaring bumaba sa loob ng isang buwan

Maaaring magsimulang bumalik sa dating antas ang presyo ng ilang gulay sa loob ng tatlong linggo hanggang isang buwan habang bumabawi ang produksyon mula sa pinsalang dulot ng malalakas na ulan at pagbaha, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na nakadepende ang bilis ng pagbaba ng presyo sa kung gaano kabilis makapagtanim muli ang mga magsasaka sa mga lugar na naapektuhan ng masamang panahon.

“Siguro mga three weeks to one month iyan, mag-start tayo na makikita ng recovery,” ani De Mesa sa Philippine News Agency.

Ayon sa DA, nasa 10% hanggang 15% ang itinaas ng presyo ng mga sangkap ng pinakbet at ilang lowland at upland vegetables sa mga pamilihan.

- Advertisement -

Kabilang dito ang talong na tumaas umano ng ₱20 hanggang ₱50 kada kilo.

“May mga paggalaw na, halimbawa, ‘yung sa talong tumataas ng ₱20 hanggang PHP50 kada kilo. Ganun din ‘yung ibang gulay, for both lowland and upland ito,” sabi ni De Mesa.

Malaki ang naging epekto ng pag-ulan at pagbaha sa produksyon ng high-value crops, partikular sa Central Luzon at Calabarzon.

Sa Central Luzon, umabot sa ₱237 milyon ang halaga ng pinsala, pinakamalaki sa Pampanga na nagtala ng ₱128 milyon. Sinundan ito ng Bulacan na may ₱45 milyon, Nueva Ecija na ₱37 milyon at Bataan na ₱19 milyon.

Sa Calabarzon, nasa ₱172 milyon ang kabuuang pinsala sa high-value crops. Pinakamalaki ang naitala sa Batangas na ₱71.6 milyon, kasunod ang Cavite na ₱44.5 milyon, Rizal na ₱30 milyon at Laguna na ₱25 milyon.

Habang hindi pa tuluyang nakakabawi ang mga pangunahing lugar na pinagkukunan ng gulay, sinabi ng DA na maaaring gamitin ang mga lugar na mas kaunti ang pinsala bilang alternatibong source ng high-value crops.

Inaasahang makatutulong ito upang matugunan ang suplay sa mga pamilihan habang unti-unting bumabalik ang produksyon sa mga lugar na tinamaan ng masamang panahon.

- Advertisement -

Latest

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and Busuanga received new classroom chairs on October 21 in a distribution led by Discovery Coron. The...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang kumikilos ito palabas ng Philippine Area of Responsibility, kasabay ng pag-monitor sa isang bagong low...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...
spot_imgspot_img