26 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Castro, pumihit sa pahayag laban sa mga guro: Paalala, hindi paninisi

Nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi niya sinisisi ang mga guro sa naganap na karahasan sa mga paaralan matapos umani ng batikos ang kaniyang naunang pahayag kaugnay ng shooting sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School.

Sinabi ni Castro nitong Miyerkules na ang kaniyang pahayag ay isang paalala lamang sa mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng mga mag-aaral, lalo na sa kanilang asal at pagpapahalaga.

“Unang-una ay wala po tayong sinisisi na mga guro; ito ay pagpapaalala sa ating mga kagalang-galang na mga guro kung ano po ang kanilang malaking role bilang tagahubog ng magandang kaugalian lalung-lalo na sa mga kabataan,” ani Castro sa Palace briefing.

Nauna rito, tinawag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na “reckless and insulting” ang kaniyang mga pahayag matapos ang pamamaril sa paaralan na ikinasawi ng dalawang estudyante.

- Advertisement -

Ayon kay Castro, hindi lamang mga magulang ang may tungkuling gumabay sa mga kabataan kundi maging ang mga paaralan at guro, na aniya ay nagsisilbing pangalawang magulang ng mga estudyante.

“Ang mga guro iginagalang po natin, malamang nagkaroon lamang po ng misinterpretation dahil yung nagpalabas ng opinyon ay mali agad at sinabi na sinisisi natin ang mga teachers,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Castro na ang kaniyang pagtukoy sa ilang insidenteng kinasasangkutan ng mga guro ay batay sa mga partikular na kasong naiulat at naimbestigahan.

Kabilang dito ang insidente sa Davao City kung saan umano’y nangheckel ang ilang estudyante kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at gumamit ng hindi angkop na mga salita sa kaniyang pagbisita.

Binanggit din niya ang hiwalay na kaso ng isang guro na umano’y nag-post ng video kung saan tinuturuan ang mga estudyante ng mga salitang mapanlait sa Pangulo. Isinasailalim na umano sa administrative proceeding ang guro, na umamin sa paggawa ng video, ayon kay Castro.

Dahil dito, naglabas umano ang Department of Education ng memorandum na nagpapaalala sa mga guro na panatilihin ang propesyonalismo.

“Hindi po kayo sinisisi. Ito ay pagpapaalala,” ani Castro.

Iginiit din niya na hindi niya kailanman mamaliitin ang mga guro dahil mismong kaniyang ina ay naging public school teacher.

“Hindi ko po kailanman hindi bibigyang galang ang mga guro dahil ang aking ina, hindi pa po ako pinapanganak, ay isang public school teacher,” aniya.

Sinabi ni Castro na nauunawaan niya kung bakit nasaktan ang ilang guro sa kaniyang naunang pahayag, ngunit nilinaw niyang hindi niya sinabing sila ang dapat sisihin sa karahasan.

“Naiintindihan ko po kung saan nanggagaling ang ating mga guro. Wala po tayong sinabi na sila ang dapat sisihin,” dagdag niya.

Samantala, nanawagan si PCO Secretary Dave Gomez ng matinding pag-iingat sa pag-uulat tungkol sa mga trahedyang kinasasangkutan ng mga menor de edad.

Ayon kay Gomez, kailangang tiyakin ng state media at iba pang media organizations na hindi malalabag ang dignidad, kaligtasan at privacy ng mga menor de edad, pati na ang kapakanan ng mga naulilang pamilya.

Hiniling din niya ang pag-iwas sa mga detalye na maaaring makasagabal sa imbestigasyon o makahikayat ng mga kahalintulad na insidente.

- Advertisement -

Latest

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and Busuanga received new classroom chairs on October 21 in a distribution led by Discovery Coron. The...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang kumikilos ito palabas ng Philippine Area of Responsibility, kasabay ng pag-monitor sa isang bagong low...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...
spot_imgspot_img