26 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

‘Ngani Mandin’ komiks bubuhaying muli upang mapanatili ang Marinduque Tagalog

Bubuhaying muli at idi-digitize ang Ngani Mandin komiks upang makatulong na mapanatiling buhay ang Marinduque Tagalog at maipakilala ito sa mga kabataan.

Pangungunahan ng Sentro ng Wika at Kultura ng Marinduque State University (MarSU-SWK) ang proyekto sa tulong ng grant mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at suporta ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Tatalakayin ang proyekto sa Tertulyang Pangwika ng MarSU sa Agosto 17, 18 at 20 bilang bahagi ng Buwan ng Kasaysayan, Buwan ng Wika, ASEAN Month at Linggo ng Kabataan.

“Komiks sa Isla” ang tema ng tertulya ngayong taon, kaugnay ng tema ng KWF na “Wikang Filipino at Artificial Intelligence.”

- Advertisement -

Layunin ng proyekto na i-restore at muling ilathala ang Ngani Mandin, isang komiks nina Gregorio Narvas Jr., Gregorio Narvas III at Erik Narvas Santos. Gagamitin din ang mga isyu nito upang makabuo ng glosaryo ng Marinduque Tagalog at mga tala tungkol sa kultura ng lalawigan.

Ayon kay MarSU President Prof. Dr. Diosdado Zulueta, kasama ang unibersidad sa pagpapalaganap ng Filipino, mga katutubong wika at Marinduque Tagalog.

“Bilang katuwang ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang Sentro ng Wika at Kultura ng Marinduque State University ay kaisa sa pagpapalaganap ng wikang Filipino at mga katutubong wika kasama ang wikang Marinduque Tagalog,” ani Zulueta.

Isasagawa ang archival search at inventory ng mga lumang materyal bago i-scan at linisin ang mga pahina ng komiks. Kasama rin sa plano ang digital coloring, bagong layout at pagrebisa sa mga dialogue balloon.

Lalahok sa proyekto ang mga kabataan, lokal na artist at matatanda sa komunidad. Tutulong ang mga nakatatanda sa pagpapatunay ng paggamit at kahulugan ng mga salita, habang isasali ang kabataan at mga artist sa pagpapanibago ng komiks.

Target ng proyekto na makagawa ng digitally restored at muling nailathalang bersyon ng Ngani Mandin, glosaryo ng Marinduque Tagalog, cultural notes, at mga kopyang maaaring ipamahagi sa print at digital platforms.

Plano ring gamitin ang komiks bilang materyal sa pagtuturo tungkol sa wika at kultura. Maaaring ipagpatuloy at palawakin ang proyekto kapag nagkaroon ng karagdagang pondo at donasyon.

- Advertisement -

Latest

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and Busuanga received new classroom chairs on October 21 in a distribution led by Discovery Coron. The...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang kumikilos ito palabas ng Philippine Area of Responsibility, kasabay ng pag-monitor sa isang bagong low...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...
spot_imgspot_img