Arestado sa magkahiwalay na operasyon sa El Nido noong August 10 ang isang kabilang sa Top 10 Most Wanted Persons sa MIMAROPA at ang itinuturing na No. 4 Most Wanted Person sa Palawan.
Kinilala ng mga awtoridad ang regional most wanted bilang alyas “Ricky,” 19, isang fishball vendor at residente ng Barangay Pasadeña. Nahaharap siya sa kasong rape by sexual assault at may inirekomendang piyansang ₱120,000.
Naaresto rin si alyas “Zia,” 19, residente ng Barangay Corong-Corong at itinuturing na No. 4 Most Wanted Person sa Palawan. Nahaharap siya sa kasong rape by carnal knowledge, kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte.
Ayon sa Palawan Police Provincial Office, nasa kustodiya ng El Nido Municipal Police Station ang dalawa para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Nakatakda silang iharap sa mga korte na naglabas ng kanilang warrants of arrest.



