26 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Puerto Princesa cathedral unveils official seal featuring Marian, patron saint symbols

The Immaculate Conception Cathedral Parish in Puerto Princesa City...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Teodoro: Pagtindig ng Pilipinas sa WPS, hindi panggugulo

Iginiit ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Miyerkules na hindi nanggugulo ang Pilipinas sa pagtindig nito para sa mga karapatan sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag ni Teodoro ay kasunod ng mga ulat na nagsabing inakusahan ng mga opisyal ng China, kabilang ang ambassador nito sa Maynila, ang Pilipinas na nagpapataas ng tensyon sa WPS at kinuwestiyon kung ano ang mapapala ng bansa at kung kakayanin nito ang magiging epekto ng mga hakbang nito.

Sa “Kapihan sa Manila Bay,” sinabi ni Teodoro na ang pagtatanggol ng Pilipinas sa mga karapatan nito ay bahagi ng pagiging isang malayang bansa na kinikilala ng international law.

“Unang-unang, what does the Philippines stand to gain for standing up for its rights? We become a country, a true country with all the entitlements of law, all the entitlements of international law,” ani Teodoro.

- Advertisement -

Lumabas ang mga pahayag matapos ang insidente noong Hulyo 20 kung saan nasugatan ang dalawang tauhan ng Philippine Navy matapos ang komprontasyon sa mga miyembro ng China Coast Guard (CCG) malapit sa BRP Sierra Madre.

Ayon sa China, nagsagawa umano ang CCG ng inspeksyon kaugnay ng ulat na may construction work sa BRP Sierra Madre na umano’y lumalabag sa isang “provisional agreement.”

Ngunit pinabulaanan ito ng panig ng Pilipinas.

Ayon sa militar, isang rigid-hull inflatable boat ng CCG na may walong sakay ang lumapit sa BRP Sierra Madre, dahilan upang magpadala ang mga Pilipinong sundalo ng dalawang rubber boat upang paalisin ang mga ito. Nauwi ang insidente sa komprontasyon kung saan dalawang tauhan ng Philippine Navy ang nasugatan.

Binalikan din ni Teodoro ang insidente noong 1995 nang sabihin umano ng China na ang mga itinayong istruktura nito sa Mischief Reef ay magsisilbing kanlungan lamang ng kanilang mga mangingisda.

“Ano na ngayon ‘yan?” ani Teodoro, na tumutukoy sa mga pasilidad na ngayo’y itinuturing na militarisado.

Sinabi rin ng kalihim na tila nagbabanta ang China sa Pilipinas dahil sa patuloy nitong paggigiit ng mga karapatan sa West Philippine Sea.

“Sino ba ang nangugulo dito? May karapatan ba sila na gawin sa atin itong mga ginagawa nila dito?” ani Teodoro.

- Advertisement -

Latest

Puerto Princesa cathedral unveils official seal featuring Marian, patron saint symbols

The Immaculate Conception Cathedral Parish in Puerto Princesa City...

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

Puerto Princesa cathedral unveils official seal featuring Marian, patron saint symbols

The Immaculate Conception Cathedral Parish in Puerto Princesa City has unveiled its new official seal and coat of arms, incorporating symbols of the Blessed...

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and Busuanga received new classroom chairs on October 21 in a distribution led by Discovery Coron. The...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang kumikilos ito palabas ng Philippine Area of Responsibility, kasabay ng pag-monitor sa isang bagong low...
spot_imgspot_img