26 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

CICC sa mga magulang: Bantayan ang online activity ng mga anak laban sa online predators

Nanawagan ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa mga magulang na mas tutukan ang online activities ng kanilang mga anak at iginiit na hindi dapat maging kapalit ng paggabay ng magulang ang mga cellphone at iba pang gadgets.

Sa panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabi ni CICC Undersecretary Renato Paraiso na dapat maging mapagmatyag ang mga magulang sa mga pagbabago sa ugali ng kanilang mga anak dahil maaari itong senyales ng online grooming o pakikipag-ugnayan sa mga online predator.

“Kapag napapansin natin, medyo nagiging reclusive or nagiging secluded na o nag-iisa na iyong mga anak natin at parati na lang may kausap, kailangan nating alamin, sino iyong mga kausap nila,” ani Paraiso.

Ayon sa kanya, dapat ding maging alerto ang mga magulang kapag biglang gumagaling sa English ang kanilang anak habang nakikipag-usap sa mga dayuhan sa internet, dahil isa umano ito sa mga karaniwang palatandaan na maaaring may kontak na sila sa mga online groomer o predator.

- Advertisement -

Babala ni Paraiso, mas naging mapanlinlang na ngayon ang mga kriminal dahil nagpapanggap na rin silang mga bata upang makuha ang tiwala ng kanilang mga biktima.

“Mas nakakatakot po ngayon, kasi po nagpapanggap na mga bata itong mga masasamang loob na ito para po kunin at i-recruit ang ating mga anak,” aniya.

Sinabi rin niyang kadalasang nagpupuyat ang mga bata upang makipag-usap sa mga dayuhan dahil sa pagkakaiba ng time zone.

Pinayuhan ni Paraiso ang mga magulang na kausapin ang kanilang mga anak sa mahinahong paraan at hikayatin silang maging bukas sa halip na agad silang pagalitan.

“Kapag napansin na natin iyan, kailangan na nating upuan iyong anak natin and try to let them know na we’re there for them at saka para maging open sila sa atin,” dagdag niya.

Hinimok din niya ang mga magulang na huwag agad burahin ang mga kahina-hinalang mensahe o chat dahil maaari itong magsilbing mahalagang ebidensya sa imbestigasyon laban sa mga online criminal network.

Ayon pa sa opisyal, katuwang ng CICC ang Council for the Welfare of Children sa pagbibigay ng intervention services at gabay sa mga magulang kung paano maayos na kakausapin ang kanilang mga anak tungkol sa online safety.

- Advertisement -

Latest

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and Busuanga received new classroom chairs on October 21 in a distribution led by Discovery Coron. The...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang kumikilos ito palabas ng Philippine Area of Responsibility, kasabay ng pag-monitor sa isang bagong low...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...
spot_imgspot_img