26 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Puerto Princesa cathedral unveils official seal featuring Marian, patron saint symbols

The Immaculate Conception Cathedral Parish in Puerto Princesa City...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Magpapautang ang SSS para sa solar panel installation sa mga tahanan

Maglulunsad ang Social Security System (SSS) ng bagong loan program na magbibigay-daan sa mga kwalipikadong miyembro na makapagpakabit ng solar panel systems sa kanilang mga tahanan, bilang bahagi ng pagsisikap na mabawasan ang gastusin sa kuryente ng mga pamilyang Pilipino.

Ayon sa SSS, maaaring umutang ang mga miyembrong kwalipikado sa ilalim ng nakatakdang Energy Sustainability Loan (ESL) Program upang pondohan ang pag-install ng residential solar panel systems.

Ang pautang ay maaaring bayaran sa loob ng hanggang pitong taon.

Batay sa pahayag ni SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph M. de Claro, ipinapakita ng bagong programa ang mas malawak na papel ng ahensya sa pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga Pilipino.

- Advertisement -

Target ng ahensya na masuportahan ang hindi bababa sa 100,000 kabahayan pagsapit ng 2028 sa pamamagitan ng programa.

Inaasahang ilulunsad ang Energy Sustainability Loan Program sa Setyembre, bagamat hindi pa inilalabas ng SSS ang kumpletong detalye hinggil sa mga requirements, loanable amount, at iba pang mekanismo nito.

Sinabi ng SSS na ang programa ay para sa mga kwalipikadong miyembro na may mandatory provident fund account.

Ang mandatory provident fund program ay isang sapilitang retirement savings scheme na awtomatikong sinasalihan ng mga miyembro ng SSS na may buwanang salary credit na higit sa ₱20,000 at regular na naghuhulog sa ahensya.

Sa pamamagitan ng paggamit ng solar energy, inaasahang makatutulong ang programa sa pagpapababa ng konsumo sa kuryente ng mga kabahayan habang isinusulong din ang paggamit ng renewable energy sa bansa.

- Advertisement -

Latest

Puerto Princesa cathedral unveils official seal featuring Marian, patron saint symbols

The Immaculate Conception Cathedral Parish in Puerto Princesa City...

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

Puerto Princesa cathedral unveils official seal featuring Marian, patron saint symbols

The Immaculate Conception Cathedral Parish in Puerto Princesa City has unveiled its new official seal and coat of arms, incorporating symbols of the Blessed...

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and Busuanga received new classroom chairs on October 21 in a distribution led by Discovery Coron. The...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang kumikilos ito palabas ng Philippine Area of Responsibility, kasabay ng pag-monitor sa isang bagong low...
spot_imgspot_img