30 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Ang parke, ang pamayanan, at ang kalikasan

Tuwing sumasapit ang buwan ng Hunyo, muling nabibigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating kapaligiran. Ngunit para sa mga komunidad na nakapaligid sa Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP), ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang isang paggunita tuwing Buwan ng Kapaligiran. Ito ay bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay.

Mas kilala sa buong mundo bilang Puerto Princesa Underground River (PPUR), ang parke ay isa sa pinakamahalagang likas na yaman ng Pilipinas. Kilala ito bilang isang UNESCO World Heritage Site at isa sa New7Wonders of Nature. Ngunit higit pa sa mga karangalang ito, ang parke ay isang tahanan. Tahanan ng mayamang biodiversity, ng mga kagubatan, ilog, kabundukan at karagatan. Higit sa lahat, tahanan ito ng mga taong matagal nang namumuhay kasabay ng kalikasan.

Apat na komunidad ang matatagpuan sa loob at paligid ng parke: Cabayugan, Tagabinet, Marufinas at New Panggangan. Sa mga lugar na ito naninirahan ang mga Tagbanua, Batak, Cuyunon, Bisaya at iba pang mga mamamayang ang buhay ay malapit na nakaugnay sa likas na yaman ng parke.

Ang ekonomiya ng parke
Mahalagang bahagi ng buhay sa parke ang kabuhayan. Ang bawat komunidad ay may sariling produkto, kakayahan at pinagkukunan ng kita. Ang ilan ay nakikibahagi sa agrikultura at pangingisda, habang ang iba naman ay gumagawa ng mga produktong yari sa kamay at mga likhang-sining na sumasalamin sa kanilang kultura at tradisyon.

- Advertisement -

Sa paglipas ng panahon, naging mahalagang bahagi rin ng lokal na ekonomiya ang turismo. Hindi lamang ito nagbibigay ng kita sa mga pamilya kundi nagbubukas din ng pagkakataon upang maipakita sa mga bisita ang kagandahan ng kalikasan at kultura ng lugar.

Ang ekolohiya bilang pundasyon
Ngunit hindi maaaring pag-usapan ang ekonomiya nang hindi binibigyang-pansin ang ekolohiya. Ang dalawang ito ay magkaugnay at hindi maaaring paghiwalayin.

Madalas kong banggitin ang konsepto ng “ridge to reef,” na mas nais kong tawaging LUNTIGHAW o pinagsamang luntian at bughaw. Ito ang ugnayan ng kagubatan, kabundukan, ilog, baybayin at karagatan. Kapag napinsala ang isang bahagi nito, naaapektuhan ang kabuuan ng sistema.

Sa loob ng parke ay matatagpuan ang iba’t ibang uri ng halaman at hayop na umaasa sa balanseng ekosistema upang mabuhay. Ang mga kagubatan ay nagsisilbing tahanan ng maraming uri ng ibon at wildlife. Ang mga ilog at baybayin naman ay pinagkukunan ng kabuhayan at pagkain ng mga komunidad.

Dito natin nakikita kung bakit mahalagang pangalagaan ang parke. Hindi lamang ito para sa mga turista kundi para rin sa mga susunod na henerasyon.

Turismo na nakasentro sa komunidad
Isa sa mga halimbawa ng pagsasama ng pangangalaga sa kalikasan at kabuhayan ay ang mga Community-Based Sustainable Tourism (CBST) sites sa loob ng parke.

Kabilang dito ang Mangrove Paddle Boat Tour, Jungle Trail at Sabang Falls sa Barangay Cabayugan; Ugong Rock at Hundred Caves sa Barangay Tagabinet; at iba pang destinasyon tulad ng Isla Felomina at Buenavista View Deck.

Ang mga proyektong ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga lokal na komunidad na makinabang mula sa turismo habang pinananatiling buhay ang prinsipyo ng pangangalaga sa kalikasan. Sa halip na pagsamantalahan ang likas na yaman, natututo ang mga mamamayan na gamitin ito nang may pananagutan at pag-iingat.

Ang mata at tinig ng parke
Hindi lamang mga kawani ng parke ang may tungkulin sa pangangalaga nito. Sa katunayan, ang pinakamahalagang katuwang ng parke ay ang mga taong naninirahan sa loob at paligid nito.

Sa pamamagitan ng Community Development Team at ng Communication, Education and Public Awareness (CEPA) program, patuloy na pinalalakas ng PPSRNP ang kakayahan ng mga komunidad na maging tagapagtaguyod ng kalikasan.

Ang mga katutubo, mangingisda, magsasaka, kabataan at iba pang sektor ay hinihikayat na maging mga mata at tinig ng parke. Sila ang unang nakakakita ng mga banta sa kapaligiran. Sila rin ang unang nakararanas ng mga epekto ng pagkasira ng kalikasan.

Kapag naging mulat ang komunidad, mas nagiging matatag ang proteksiyon sa parke. Kapag naging bahagi ng pangangalaga ang mga mamamayan, mas tumitibay ang kinabukasan ng lugar.

Sa pagtatapos ng Buwan ng Kapaligiran, mahalagang tandaan na ang Puerto Princesa Subterranean River National Park ay higit pa sa isang tanyag na destinasyon. Isa itong buhay na tahanan ng tao at kalikasan.

Ang tunay na tagumpay ng parke ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga turistang bumibisita rito kundi sa kakayahan nitong mapanatili ang balanse ng kalikasan habang nagbibigay ng kabuhayan at pag-asa sa mga komunidad na matagal nang tinatawag itong kanilang tahanan.

At sa huli, ang pinakamahalagang tagapag-ingat ng parke ay hindi ang mga gusali, batas o programa. Kundi ang mga taong araw-araw na namumuhay kasama nito at handang maging tinig ng kalikasan para sa mga susunod pang salinlahi.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Edong Magpayo
Edong Magpayo
is an ecology, culture, IPs, and tourism advocate in Palawan, Philippines. He works as a youth and community mentor, storyteller, and nature and culture photographer. He is the founder of Tuklas_Pilipinas, a platform that documents people, places, and traditions across the country.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img