The Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) has raised its alert status to full alert in preparation for the upcoming national and local elections on Monday, May 12.
According to PPCPO spokesperson Police Captain Bryan Rayoso, the move is intended to ensure that the conduct of the elections on Monday will be orderly, peaceful, and quiet.
By declaring full alert status, the PPCPO can now mobilize all its personnel for any kind of operation that requires police presence, including non-uniformed personnel in their office, should their assistance be needed at voting centers and other locations in the city.
He added that they are continuously holding meetings and briefings to make sure that police officers assigned to streets and voting centers are properly informed and prepared for election day.
Meanwhile, Police Major Pearl Manyll Marzo, acting chief of the City Operations and Management Unit (COMU) of the PPCPO, said one of their current concerns is the use of minors by some candidates to campaign on election day outside schools where voters will cast their ballots.
“Mayroon na po tayong ginagawa d’yan kahit noon pa kung saan naglalagay tayo ng WCPD personnel natin na itinatalaga po sa mga voting center. Isa nga po ‘yan sa tinututukan natin dahil nga po ‘yung mga kabataan ay nagagamit pa ito hanggang D-Day. ‘Yun lang naman ‘yung nakikita natin so far at binibigyan lang natin ‘yun ng concern,” Marzo said.
The official also called on the public to help ensure a safe, secure, and orderly election this year.
“Rest assured po na katuwang n’yo po kami para maging maayos, mapayapa, at mapanatili ang katahimikan sa eleksyon natin. Hinihingi rin namin ang suporta ng lahat na magkaroon po tayo ng mapayapang eleksyon ngayong 2025,” she added.
*** BASAHIN SA PILIPINO
Itinaas na ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang kanilang alert status sa full alert kaugnay ng gaganaping national and local elections sa Lunes, May 12.
Ayon kay PPCPO spokesperson PCapt. Bryan Rayoso, ito ay upang mas matiyak na magiging maayos, mapayapa, at tahimik ang isasagawang botohan sa Lunes.
Sa pamamagitan ng pagsasailalim sa full alert status ng PPCPO, maaari na nitong gamitin ang lahat ng mga tauhan nito sa anumang uri ng operasyon na kinakailangan ang presensya ng mga pulis, kabilang na ang mga non-uniformed personnel sa kanilang tanggapan, sakaling kailanganin ang tulong ng mga ito sa mga voting center sa lungsod at iba pa.
Tuluy-tuloy din anila ang kanilang mga pagpupulong at briefing upang mas magkaroon ng malinaw na kaalaman ang mga pulis na nakatalaga sa mga lansangan at voting centers ngayong darating na eleksyon.
Kaugnay nito, sinabi naman ni PMaj. Pearl Manyll Marzo, ang acting chief ng City Operations and Management Unit (COMU) ng PPCPO, na isa sa kanilang tinututukan ngayon ay ang paggamit ng ilang kandidato sa mga kabataan upang mangampanya pa sa araw ng eleksyon sa labas ng mga eskwelahan kung saan boboto ang ating mga kababayan.
“Mayroon na po tayong ginagawa d’yan kahit noon pa kung saan naglalagay tayo ng WCPD personnel natin na itinatalaga po sa mga voting center. Isa nga po ‘yan sa tinututukan natin dahil nga po ‘yung mga kabataan ay nagagamit pa ito hanggang D-Day. ‘Yun lang naman ‘yung nakikita natin so far at binibigyan lang natin ‘yun ng concern,” ani Marzo.
Hiniling din ng opisyal ang tulong ng mamamayan para sa pagkakaroon ng isang mapayapa, ligtas, at maayos na halalan ngayong taon.
“Rest assured po na katuwang n’yo po kami para maging maayos, mapayapa, at mapanatili ang katahimikan sa eleksyon natin. Hinihingi rin namin ang suporta ng lahat na magkaroon po tayo ng mapayapang eleksyon ngayong 2025,” dagdag pa nito.



