Sep 28, 2020

7 taong gulang na bata nalunod sa Tacduan

Ayon sa ina ng bata, hindi niya napansin na pumunta sa dagat at lumangoy ito dahil inaalagaan niya ang mas nakababatang kapatid nito.

Isang 7 taong gulang na bata na residente ng Brgy. Sandoval, Bataraza ang nalunod sa Tacduan Beach, Purok Tacduan, Barangay Inagawan-Sub, Puerto Princesa City.

Ayon sa ina ng batang lalaki, hindi niya napansin na pumunta sa dagat at lumangoy ito dahil inaalagaan niya ang mas nakababatang kapatid nito. Nangyari ang aksidente Miyerkules ng umaga.

Nakita naman ng tiyuhin ng bata na nahihirapan na itong lumangoy at patuloy na dinadala ng alon papalayo sa kanila.

Agad naman nilang sinaklolohan ang bata ngunit huli na dahil binawian na ito ng buhay.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry