Larawan mula sa Police Provincial Office (PPO)

Arestado ng mga tauhan ng Culion Municipal Police Station (MPS) ang anim na indibidwal matapos silang maabutan sa aktong nagsusugal ng tong its sa Barangay Jardin sa bayan ng Culion, kahapon, July 30.

Ang mga suspek kinilalang sila Arnold Prima, 58; Sariel Castro, 51; Richard Sabanal, 33; Ruben Amarante, 42; Ricky Jaictin, 54;at Paul Lisboa,69, mga residente ng natura din na barangay.

Nakumpiska rin sa kanila ang mga baraha at perang nagkakahalaga ng P1,403.

Haharap sila sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o ang Illegal Gambling Act.

Ayon naman sa Police Provincial Office (PPO), ang sunod-sunod na operasyon laban sa ilegal na sugal ay bahagi lamang ng mas pinalakas nilang opensiba laban dito.

“Ito po ay parte ng intensified police operations ng ating mga kapulisan, lalong higit naging katuwang natin ang ating pamayanan sa pagbibigay ng impormasyon sa mga illegal na gawain at isa na itong illegal gambling,” PPPO spokeperson Ric Ramos.

Previous articlePSU Sofronio Española gets green light to conduct limited face-to-face classes
Next articleIlegal na pinutol na kahoy at buhay ilang, nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.