Limang wanted sa batas ang magkakasunod na naaresto sa magkakaibang barangay sa bayan ng Rizal.

Kinilala ang mga naarestong sina Ninoy Maning Liwas, 35 taong gulang; Erning Gunahan Agustin, 45 taong gulang; Randy Gallimba Pasuelo, 46 taong gulang; One Charlie Misuari Cudog Jr., 37 taong gulang; at Ledon Katab Luwat, 49 taong gulang.

Una nang naaresto ng mga awtoridad sa Sitio Cabacungan, Brgy. Ransang sa bayan ng Rizal noong August 30 si Liwas na nasa number 3 most wanted sa lalawigan na may dalawang kasong rape.

September 4 naman nang maaresto sa Barangay Taburi sa bayan ng Rizal si Agustin, sa kaso nitong robbery with homicide.

Naaresto din sa parehong araw si Pasuelo, sa Barangay Iraan, Rizal, Palawan dahil sa kaso nitong paglabag sa Chainsaw Act of 2002 (section 7 (4) of RA 9175).

Magkakasunod namang naareesto noong September 7 ng hapon ang mga wanted na sina Cudog Jr., at Luwat sa Purok Pagkakaisa, Brgy. Punta Baja, at Sitio Malutok, Brgy. Ransang sa nasabing bayan.

Parehong kakaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa PD 705.

Naaresto ang 5 wanted sa batas sa pakikiisa na din ng komunidad at pagsisikap ng Chief of Police ng Rizal Municipal Police na si P/Major Thirz Starkyy Timbancaya at P/LT Rommel Valdez at ilang unit ng Provincial PNP sa Palawan.

About Post Author

Previous articleClose to 10,000 job orders in Singapore await qualified Filipino workers
Next articleMotorista, patay matapos mabangga ng isang SUV sa bayan ng Roxas
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.