SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Inaresto ng mga pulis ng Sofronio Española ang limang indibidwal na huli sa aktong naglalaro ng mahjong sa Barangay Pulot Center dakong alas singko bente singko ng hapon ng Huwebes, October 1, 2020.

Naaresto sina Gerardo Coritao, Charlie Gullos, Edmon Eranista, Emilio Lopez Jr. at Mohamaron Babudyong pawang mga nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.

“Doon sila naglalaro ng mahjong sa loob mismo ng bahay ng isa nating suspek na si Lopez,” ayon kay P/SSg Rosbel Baleros, investigator on case.

Kahaharapin ng lima ang kasong paglabag sa PD 1602 amended by RA 9287 o ang kasong may kaugnayan sa Anti-Illegal Gambling Activity.

Nakuha sa kanilang posesyon ang 144 pieces na mahjong tiles, two pieces of mahjong dice, four pieces na 100 peso bills at four pieces na 20 peso bills.

“More or less nasa P6,000 ang bill diyan ng bawat isa at nasa inquest proceeding na tayo sa korte para sampahan na ng kaso sila,” dagdag ni Baleros.

 

 

About Post Author

Previous articleCapitol imposes strict health protocols
Next articleMore rains ’til Q1 2021 due to La Niña: PAGASA
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.